• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador on her relationship with Matteo Guidicelli: 'We are okay. Very okay'

Maja Salvador on her relationship with Matteo Guidicelli: 'We are okay. Very okay'

Despite the recent claims that it's over for Maja Salvador and Matteo Guidicelli, the actress reveals the real score.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/4/2011 10:59 PM
Maja Salvador on her relationship with Matteo Guidicelli: 'We are okay. Very okay'


120511-maja-main.jpgFinally ay tinuldukan na ni Maja Salvador ang mga lumalabas na balitang wala na sila ni Matteo Guidicelli. Sa The Buzz noong December 4, ibinalita na kasalukuyang nasa ospital ngayon si Matteo dahil may sakit siya at inaalagaan naman ni Maja. Unang inilabas ang balita ng hiwalayan sa www.darlasauler.com at nagbigay na rin ng pahayag si Maja sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Matteo. “We are okay. Very okay. Please pray tayo para sa Monday makalabas na siya.”

Pumutok ang balitang nagkahiwalay na ang dalawa noong mga nakalipas na araw at sinasabing ang dahilan umano nito ay dahil wala na raw silang panahon sa isa’t-isa. Lalo namang tumindi ang mga haka-hakang ito nang mag-post ang dalawa ng mga makahulugang pahayag sa kani-kanilang Twitter accounts.

Ani Matteo sa kanyang Twitter, “Can’t take it no more. Time to set on the break [sic].” Maging si Maja ay nag-retweet ng mga meaningful messages kagaya ng, “I’d rather be alone than to be with someone who doesn’t appreciate me. Don’t be afraid to let go of something.  You may lose something good but you may gain something better.”

Hindi naman itinanggi ni Matteo na may pinagdadaanan nga sila ni Maja. Sa isang interview sa kanya na ipinalabas sa E-Live, inihayag ng aktor ang real score sa kanila ni Maja. “Busy pa and we have to talk pa. You know, little arguments right and there but it’s normal.”