• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: 'We're still getting to know each other

Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: 'We're still getting to know each other

Kathryn Bernardo admits that she's very close to Daniel Padilla, but is in no rush to enter a relationship anytime soon.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/4/2011 10:29 PM
Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: 'We're still getting to know each other


120511-kat-main.jpgBukod sa maganda ang kanilang onscreen chemistry, mukhang nagkakamabutihan na sa totoong buhay ang Growing Up lead stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Mismong ang ina ni Daniel ang nagsabing picture nilang dalawa ni Kathryn ang wallpaper nito sa cellphone. At ng makapanayam ang batang aktres tungkol dito, hindi nito itinanggi na nag-e-enjoy siyang kasama ang co-star on and off cam. "Very close po [kami]. Yung totoo po hindi na ako nahihiya kapag kasama ko siya kasi napakakumportable niyang kasama at so we're very close friends."

Napag-alaman din na minsan ay bumibisita si Daniel sa ginagawang pelikula ni Kathryn na Shake, Rattle, and Roll 13. "Opo, after ng taping namin, nag-visit sila sa set kasama ng ibang cast ng Growing Up. So hindi naman siya lang, meron naman siya kasamang iba." Dagdag pa ni Kathryn, masaya siya sa ibinibigay na atensyon sa kanya ni Daniel. "Flattered ako kasi siyempre ume-effort siya. Pero ngayon nasa getting to know stage pa lang kami so good friends na lang muna."

Samantala, hindi maiwasang malungkot ni Kathryn dahil hiwalay na ang mga susunod nilang proyekto ni Julia Montes. "Kasi matagal talaga yung samahan namin mula sa Goin' Bulilit, Mara Clara, and ngayon sa Growing Up. Parang package deal na kaming dalawa kasi kahit sa endorsements and magazine covers magkasama pa rin kami.

Pero naniniwala siya na ang desisyong nito ng ABS-CBN management ay para sa ikabubuti ng respective careers nila ni Julia. "Mahirap pero happy rin ako kasi maganda yung next project niya and alam kong ginawa yun ng management para sa amin."