• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz on Sarah Geronimo: 'Alam ko happy na rin siya, happy rin ako'

Rayver Cruz on Sarah Geronimo: 'Alam ko happy na rin siya, happy rin ako'

Despite their very controversial breakup, Rayver Cruz is glad that Sarah Geronimo seems to be happy with her current life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/30/2011 10:27 AM
Rayver Cruz on Sarah Geronimo: 'Alam ko happy na rin siya, happy rin ako'


123011-rayver_main.jpgThankful si Rayver Cruz na makasama sa pelikulang A Mother’s Story na pinagbibidahan ni Pokwang na ipapalabas ngayong darating na January 2012. “Sobrang happy ako sa lahat ng blessings and to be part of this movie. Sobrang blessing niya para sa akin. Napakagandang proyekto at sobrang happy ako na napasama ako,” sambit ng aktor.

Puring-puri rin niya ang kanyang co-star na si Pokwang. “Maalaga siya sa aming co-actors niya, andaming pagkain na dinadala. Bilang aktor naman, sobrang galing niya. ‘Di ko in-expect na ganon siya kagaling,” paglalarawan niya.

Itinanong rin kay Rayver kung ano ang nararamdaman niya ngayong tila nagiging happy na rin ang ex-girlfriend na si Sarah Geronimo sa kanyang buhay. Matatandaang naging masalimuot ang breakup nila last year. “Siyempre happy ako, happy na lahat. Alam ko happy na rin siya, happy rin ako, so masaya lang ang taong (2011) ito kasi happy na lahat,” positibong sagot niya.

Simple naman daw ang magiging Pasko nila ng kanyang girlfriend na si Cristine Reyes. Kasama raw nila ang kani-kaniyang pamilya sa Noche Buena at magkikita silang dalawa sa araw ng Pasko. Hindi rin daw sila lalayo.

Dagdag pa niya hindi rin naman importante kung marangya o hindi ang ibibigay niyang Christmas gift kay Cristine. “Basta galing sa ‘yo, simpleng tao lang siya, basta galing sa ‘yo, okay lang sa kanya.”

Nang matanong naman siya kung may balak silang magbakasyon, ang sagot ni Rayver, “Baka next year na kung meron man. Wala namang specific. Una gusto namin sa [United] States pero iisip muna [ng ibang pwedeng puntahan] kasi marami ring maganda. Kasi dito sa Asia marami ring masarap puntahan.”