• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz on 'A Mother's Story': 'Kakaibang Rayver ang makikita niyo dito'

Rayver Cruz on 'A Mother's Story': 'Kakaibang Rayver ang makikita niyo dito'

Rayver Cruz talks about his role in 'A Mother's Story' and working with Pokwang.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/31/2011 12:08 AM
Rayver Cruz on 'A Mother's Story': 'Kakaibang Rayver ang makikita niyo dito'


123111-rayver-main.jpgMarami ang nag-aabang sa kakaibang pagganap ni Pokwang sa A Mother’s Story, ang pelikula tungkaol sa isang ina na ginawa ang lahat para sa pamilya pero sa kalauna’y makakatanggap nang galit at sama ng loob mula sa pamilyang hindi niya nakapiling sa loob ng pitong taon. Nang eksklusibong makapanayam ng Push.com.ph si Rayver Cruz tungkol pelikulang ito, hindi maitago ang excitement ni Rayver na napabilang siya sa kakaibang pelikulang ito. “Napakagandang pelikula, pelikulang aantig sa puso ng mga Pilipino.

At nang matanong kung kamusta katrabaho for the first time si Pokwang, ang masayang isinagot ni Rayver, “Kay Mamang (Pokwang) sobrang saya kasi ngayon ko lang siya nakatrabaho. Nakikita ko lang siya pag pumupunta ako sa Star Magic, pag nakikita ko siya sa noontime show niya pero this time nakatrabaho ko siya bilang nanay.

Hindi na rin naitago ni Rayver ang sobrang paghanga niya sa ipinakitang pag-arte ni Pokwang sa pelikula. “Bilang aktor ang galing niya sobra, saludo ako kay Ate Pokwang.”

Sa dinami-rami na rin ng mga nagawang roles ni Rayver sa pelikula at telebisyon, natanong si Ryaver kung ano ang makikita ng mga manonood sa kanya dito. “Kakaiba kasi lahat ng characters tulad nung sa akin makakarelate lahat. May mga parts na tatawa kayo pero most of the time iiyak kayo, sobrang masasakit yung mga parts ng pelikula.

At nang matanong namin ang aktor kung na-challenge ba siya sa ginampanan niyang role bilang anak ni Pokwang, “Sa lahat naman ng mga projects na binibigay sa akin very challenging naman.

Bakit kailangang panoorin ang A Mother’s Story? “Kailangan niyong panoorin ito kasi maganda ito at kakaibang Rayver ang makikita niyo dito. Kung papanoorin niyo ang A Mother’s Story halo-halong emosyon ang mararamdaman mo.”

At sa nalalapit nga na bagong taon natanong na rin ng Push kung ano ang plano niya. “Paputok sa bahay, mahilig kasi magpaputok yung kapatid ko na si Rodjun e so celebrate with family.”

With Cristine Reyes? “Siyempre dun siya sa family niya muna baka sa January 1 na mismo [kami magkita].”

Catch A Mother’s Story beginning January 8, 2012 in theaters nationwide.