• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang talks about her unforgettable experiences as a former OFW

Pokwang talks about her unforgettable experiences as a former OFW

Being a former OFW, Pokwang relates her most trying times when she was out of the country and how we can best help our kababayan OFWs.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/31/2011 12:19 AM
Pokwang talks about her unforgettable experiences as a former OFW


123111-pokwang-main.jpgSobrang nakaka-relate daw si Pokwang sa kanyang role sa upcoming movie niyang A Mother’s Story, na part ng opening salvo ng Star Cinema sa 2012. Kuwento ito ng isang OFW na nag-TNT sa Amerika para sa magandang buhay ng kanyang pamilya sa Pilipinas.

Bago maging artista ay naging entertainer muna si Pokwang sa Japan at sa Middle East. “Sa Japan naka-two years ako; six months lagi ang kontrata, pahinga tapos balik na naman. Sa Abu Dhabi six months lang,” simula ng komedyante.

Since OFW ang kanyang role sa kanyang upcoming movie, tinanong si Pokwang bakit kinakailangan pang mag-TNT (or tago nang tago) ng mga Pinoy sa ibang bansa? “Para sa pamilya, sakripisyo, totoo. Ayaw nilang habang buhay silang ganun [mahirap],” ani Pokwang.

Kung sakaling pumunta abroad, handa rin daw siya na mag-TNT kung kinakailangan. “Bakit hindi? Kahit masakit kahit alam mong bawal pero alam mong ikagaganda ng buhay ng pamilya mo, lahat gagawin mo para sa pamilya mo,” matatas na sagot ng Happy Yipee Yehey co-host.

At ngayon holiday season kung meron man siyang payo sa mga taong nasa malayo sa kanilang mga mahal sa buhay dahil nagtatrabaho sa ibang bansa, ani Pokwang, “Malayo man ang mga mahal natin sa buhay, ‘di natin sila kasama, ang pinakasandata talaga nila is mga dasal natin, at saka huwag makakalimot. Lagi na gumawa tayo ng way [para sa] communication sa pamilya natin.”

Nang maging OFW daw siya, ang pinakamasakit na naranasan ni Pokwang ay nang pumanaw ang kanyang anak na wala siya sa tabi nito. “Wala nang hihigit don na umuwi ka na lang na nakalibing na siya,” madamdamin niyang sagot.

Sa panahon ngayon kung saan may mga nagaganap na giyera sa ibang bansa at may mga naiipit na mga Pilipino doon, tinanong ng Push.com.ph si Pokwang kung worth pa rin ba na manatili siya doon. Sagot ng aktres, “May mga reason sila kung bakit nila ginagawa ‘yon. Although siyempre ‘yung mga pamilya nila rito mas gusto nilang umuwi sila, lagi natin silang isasama sa dasal. Sakripisyo. Ang hirap no’n ‘di ba? Ipagdasal natin sila kasi malalim ang dahilan ng mga kababayan nating OFWs. Kahit alam nilang nalalagay sila sa panganib ‘di sila umuuwi. Sa katwiran, bakit naman ako uuwi ng agad-agad na ‘di pa tapos ang kontrata, [tapos] ang dadatnan mo naman dito ay kahirapan?