• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bautista hopes that there would be a new season of 'The Kitchen Musical'

Christian Bautista hopes that there would be a new season of 'The Kitchen Musical'

Christian Bautista admits that being part of 'The Kitchen Musical' is one of the highlights of his showbiz career in 2011.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/30/2011 10:31 AM
Christian Bautista hopes that there would be a new season of 'The Kitchen Musical'


123011-christian_main.jpgMalaki ang pasasalamat ni Christian Bautista na naging bahagi siya ng Asian TV series na The Kitchen Musical dahil nagbukas ito ng maraming oportunidad para mas pagandahin niya ang kanyang singing career. Bukod sa mas naging experimental siya sa kanyang choice of songs sa record album niyang Outbound, naging open na rin siya sa pagsasayaw na hindi naman niya dating ginagawa. “Nagpapasalamat ako sa Kitchen Musical dahil binigyan ako ng bagong buhay, medyo sumasayaw na ako ngayon ng konti, tapos napalabas kami all over Asia.”

Umaasa si Christian na magkaroon ng Kitchen Musical Season 2 kaya naman medyo nahihirapan siyang magdesisyon kung tatanggapin ba niya ang ibang offer sa kanya abroad. Inaalok kasi siya na gumawa ulit ng pelikula sa Indonesia sa taong 2012. “Hindi pa sure yung The Kitchen Musical e. So my life now is based on what’s next for me. Kasi wala pang word kung magkakaron ng Season 2. Hindi pa rin 100 percent sure. I’ll know soon. Basta I’m thankful to God, my family, friends, fans, and to the media people who help us sa pag-promote ng mga ginagawa namin. Kasi kung wala kayo hindi naman malalaman ng tao yung mga pinaggagawa namin. So thank you.”

Pero bago maging busy ulit siya sa kanyang trabaho ay siniguro niya na makapaglaan siya ng sapat na panahon kasama ang kanyang pamilya. “I miss my family so much. Nawala ako ng four months. So pupunta ako sa Cavite tapos mag-costume party kami, magsasaya kami.” Natutunan din daw niya na bigyang importansiya ang pagkakaroon ng oras para sa sarili. “I want to go to a very quiet place, to relax, to be with my family. Minsan masyadong showbiz, so step back muna, relax muna, find who I really am. Wala namang specific na lugar akong gustong puntahan. Kahit sa Cavite lang. Home is where the heart is. Kasama mo mga magpapasaya sa ‘yo.