• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim on Kim Chiu: 'I want to let her know how important she is to me right now.'

Xian Lim on Kim Chiu: 'I want to let her know how important she is to me right now.'

Xian Lim confesses that he gets carried away by his scenes with Kim Chiu in 'My Binondo Girl.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/3/2011 9:10 PM
Xian Lim on Kim Chiu: 'I want to let her know how important she is to me right now.'


120411-xian_main.jpg“I am not closing any doors at kung mangyari man yun, mahirap pigilan ang puso. Bakit mo pipigilan ang puso?” Ito ang nasagot ni Xian Lim sa kanyang presscon nang tanungin siya tungkol sa posibilidad na maging totohanan na ang lahat sa kanila ni Kim Chiu off-screen.

Hindi naman itinatago ni Xian na espesyal sa buhay niya ngayon si Kim. “I feel like I got to know her better when Binondo Girl started, especially yung mga scenes namin together. It requires good teamwork hindi lang naman pwedeng hindi nag-uusap, kailangang pag-usapan and make sure that one person is not taken advantage [of], to make sure na the other person is feeling okay and I’m really new at this so I don’t want her to be offended in any way so I’m just showing her my complete respect.” Pero inamin ng binata na nadadala talaga siya sa mga eksena nila ni Kim sa My Binondo Girl at yun nga ang naging dahilan din ng pagkakasulat niya ng theme song nila sa serye na “Ako’y sa Iyo Lamang.”

“The story behind in ‘Ako’y Sa Iyo Lamang,’ my appreciation actually. I felt really inspired in making the song and I write songs talaga but I never get to finish lagi na lang siyang either first verse then I store it sa shelf but this time parang nakakadala sobra yung eksena namin ni Kim and I want to let her know how important she is, how much she deserves [it] and if I was to write a song for her yun is yung ‘Ako’y Sa Iyo Lamang.’”

Hindi din akalain ni Xian na yayakapin ng husto ng mga manonood ang kanilang tambalan sa hit serye na My Binondo Girl lalo pa’t marami pa ring taga-suporta ang loveteam na Kimerald pero sa lahat ng suporta na natatanggap ng kanilang tambalan, walang masabi kungdi pasasalamat ang binata, “I am really, really thankful first of all, actually iniisip ko nga yan e everyday na parang it happened so fast and I’m really happy and I’m really thankful na yung mga sumusuporta nandiyan lang sila with 100% support. Yun lang ang laking pasasalamat [ko] and I’m really excited to work for you.”

Dahil nga sa atensiyon na natatanggap ng kanilang tamabalan ni Kim, sinagot na din niya ang mga isyung kumakalat na nagkakaroon ng kumpetensiya at tensiyon sa kanilang tatlo nina Matteo Guidicelli at Jolo Revilla na katambal din ng character ni Kim as Jade, “Wala, wala! Kami nina Matteo at Jolo we are close like sa set usually some would just wait in the car, kami nasa tent lang, kwentuhan lang ng kwentuhan so yung nangyayari ngayon sa story everyone got their parts naman e, wala naman pong tension, there is no tension.”

At nang matanong kung meron na rin ba siyang mga kantang gagawin pa para kay Kim, heto ang kanyang nasagot, “I am writing songs, I am writing more songs now. Nakakagana magsulat ngayon e maybe it’s the inspiration, maybe it’s because I am happy but I am writing more songs and hopefully I can really sit [down and write] soon,” ang nangingiting sagot ni Xian.