• Home
  • Fresh Scoops
  • Sen. Bong Revilla on son Jolo's recent headaches: 'Nothing to worry'

Sen. Bong Revilla on son Jolo's recent headaches: 'Nothing to worry'

Sen. Bong Revilla says that just like him, his son Jolo also experience headaches under stress.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/3/2011 9:03 PM
Sen. Bong Revilla on son Jolo's recent headaches: 'Nothing to worry'


120411-bong_main.jpgIkinuwento ni Sen. Bong Revilla na walang dapat ikabahala sa recent na pagkakasakit ng anak niyang si Jolo Revilla after na maranasan na naman nitong sumakit ang ulo. Matatandaang noong una ay lumiban si Jolo sa My Binondo Girl matapos ang sunud-sunod na headaches. “Actually ‘yun ang parehong sakit naming mag-ama eh. Kapag napapagod na nasi-stress, nama-migraine, ‘pag migraine ospital, so siguro by next year papa-check up kami sa Amerika,” pahayag ng senador.

Tiniyak ni Sen. Bong na hindi naman nila kailangang mabahala. “He’s okay now, sa bahay na siya. Nothing to worry, it’s just hindi naman natin masabing simple migraine but it’s a migraine masakit sa ulo, masakit ‘yon.

Excited naman ang actor-politician sa darating na Metro Manila Film Festival this coming Christmas dahil aniya, maraming aabangang magagandang pelikula ang mga Pilipino. Sambit niya, makakabuti ito sa movie industry lalo pa’t recently ay naging kumita nang husto ang mga pelikulang Pilipino.

Confident naman ang senador sa kanyang entry, Ang Panday 2 sa nalalapit na MMFF at aniya ay pinaganda sa unang bahagi. Sinabi rin niyang hindi siya mapapahiya sa orihinal na gumanap na Panday, the late Fernando Poe Jr., sa kanyang pelikula. “Hindi [ako] mapapahiya kay Ninong Ronnie (palayaw ng Hari ng Pelikulang Pilipino), nasaan man siya ngayon. That’s why we’re inviting Ninang Susan [Roces na manood din]. Kung kinakailagan sunduin siya sa bahay para makita ang pelikula,” pahayag niya.