• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez is excited about reuniting with Dawn Zulueta for 'Walang Hanggan'

Richard Gomez is excited about reuniting with Dawn Zulueta for 'Walang Hanggan'

Richard Gomez is happy that there are a lot of fans of his tandem with Dawn Zulueta.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/29/2011 10:49 AM
Richard Gomez is excited about reuniting with Dawn Zulueta for 'Walang Hanggan'


122911-richard_main.jpgSa pagbabalik ni Richard Gomez sa Kapamilya network, naibahagi ng aktor na iba pa rin talaga ang madiwang ng Pasko bilang kapamilya. “ABS-CBN really knows how to celebrate Christmas even before.”
 
At sa pagbabalik niya sa ABS-CBN, isa sa mga inaabangan ay ang engrandeng teleserye sa pagpasok ng 2012, Walang Hanggan. Makakasama ni Richard dito ang bagong tambalan nina Coco Martin at Julia Montes, at ang dating kasintahang si Dawn Zulueta.

Matatandaang ang tambalang Richard at Dawn ay sobrang sinuportahan ng kanilang mga tagahanga noon at nagging isa sa pinakamatagumpay na tambalan ng kanilang panahon. “I am very happy dahil tanggap ng tao ang tambalan namin ni Dawn. You know our first team-up with Dawn was years back and up to now gusto pa rin nila. I am very excited and I am very happy about it especially for Walang Hanggan.”

Sa Kris TV din napag-usapan ang tambalan nang mag-guest sa show ni Kris Aquino ang mag-asawang Richard at Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Inamin ni Lucy na siya pa ang mas excited sa teleserye ni Richard at inaming fan siya ng tambalan nila ni Dawn. Nakwento ni Richard na napaka-swerte niya sa kanyang asawa dahil tanggap ni Lucy na nakikipaghalikan at nakikipagyakapan siya sa iba’t-ibang mga leading ladies. Nagbiro tuloy si Kris kay Richard na, “Sure ka?”

Pero sa show din na Kris TV sinabi ni Lucy na matagal niya din talagang hinintay na magkaroon ng ganito kalaking proyekto sa ABS-CBN si Richard at natutuwa talaga siya na mapapanood niya sa teleserye ang kanyang asawa na kasama si Dawn na aminadong fan din talaga ng mga ABS-CBN Primetime shows.