• Home
  • Fresh Scoops
  • Agot Isidro shares how she can still enjoy a private life even if she is a celebrity

Agot Isidro shares how she can still enjoy a private life even if she is a celebrity

With almost 20 years in showbiz, Agot Isidro knows how to keep her personal life away from the public eye.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/29/2011 10:41 AM
Agot Isidro shares how she can still enjoy a private life even if she is a celebrity


122911-agot_main.jpgThis 2012 ay 20 years na sa showbiz ang actress-singer na si Agot Isidro at patuloy pa rin siya sa pagiging active. Sa katunayan, habang palabas pa ang Nasaan Ka, Elisa? ay may gagawin na siyang ibang proyekto, ang E-boy, isang fantasy drama na pagbibidahan ng child star na si Bugoy Cariño kasama sina Ariel Rivera at Jomari Yllana.

Pagbabahagi ni Agot, magaganda ang mga proyektong ibinibigay sa kanya kaya patuloy pa rin siya sa pag-arte. ‘Yun nga lang medyo hindi raw madali ang working hours dahil puyatan pero mahal niya ang pag-aartista.

Nang tanungin siya ng Push.com.ph kung hindi ba niya nami-miss ang tahimik na buhay, ang sagot ng aktres, “I do spend quiet time naman. Hindi ako ma-party, hindi ako lumalabas masyado. I go out and [see] friends [and] have [a] quiet dinner, manood ng sine pero talaga ‘yung maingay na ano ‘di ko na kaya ‘yon. And I have my workout, my fitness, I travel also during break.”

Isa rin si Agot sa iilang artista na sa kabila ng pagiging visible at kilalang mahusay na artista ay nagagawa pa ring gawing very private ang pribadong buhay. Isang katangian na maaaring matutunan sa kanya ng mga kabataang artista ngayon. “It’s a separate life from work and I’d rather keep it that way eh,” paliwanag niya. “Kasi kung ini-involve mo ‘yung personal life mo with your profession or with your career, parang pati sa pag-uwi mo sa bahay ‘yun ang pinag-uusapan n’yo, so parang never ending.

“Work is not my life, work is just part of my life. As well as personal life is part of my whole life ‘di ba? So I’d really rather keep it separate and also for me it’s more interesting kasi. At least iba-iba ang pinag-uusapan, hindi lang panay trabaho, kasi this business can really be cruel, crazy. Siyempe gusto ko rin ng peace pagdating sa bahay.”

Sa panahon ngayon na uso ang mga scandals at kontrobersya sa mga artista, ang maibibigay namang advice ni Agot sa younger generation ay ito:  “As long as you know yourself and as long as your principles are intact, your values are intact—‘yung values and principles subjective ‘yan ‘di ba—so as long as you stick by it, stand by it, I think ‘di ka naman matitibag. Basta buo sa loob mo at pinaninidigan mo, [para] sa akin no one can really break down your character, even your reputation. As long as firm ka d’on.

Hindi rin daw dapat magpaapekto ang isang artista kahit may mga sinasabing hindi maganda sa kanya. “I know the truth, ‘di ba? ‘Yung sa akin, you can say all they want pero if there is no tinge of truth with it, basta alam ko malinis ang kunsensya ko, tama ‘yung tingin ko [na] ginawa ko, nanahimik naman ako, I did what I felt was right so they can say all they want.”

Ibinahagi rin ni Agot kung paano niya tanggihan ang ibang reporters na nagnanais na tanungin siya sa kanyang personal na buhay subalit ayaw niyang ibahagi. “I just tell them, huwag nating pag-usapan ‘yan, andito ako para sa trabaho ko. But being in the public life of a persona that we are, talagang we really expose ourselves, eh, our personal life.” Gayunpaman kailangan pa raw magkaroon ng limitasyon kung hanggang saan lang ang dapat ibahagi ng isang artista.