• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto reveals big Christmas gift received aside from film's success

Vic Sotto reveals big Christmas gift received aside from film's success

The veteran comedian says he is very proud of his new granddaughter, Ondrea Bliss.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/28/2011 11:03 AM
Vic Sotto reveals big Christmas gift received aside from film's success


122811-vic-main.jpgMaliban sa tagumpay ng pelikula niyang "Enteng ng Ina Mo" kasama si Ai Ai delas Alas, inihayag ni Prince of Comedy Vic Sotto na pinakamalaking regalo ding maituturing na natanggap niya nitong Kapaskuhan ang apo niya sa anak na si Oyo Sotto.

Isang araw matapos ang Kapaskuhan, nagsilang ng isang malusog na batang babae ang asawa ni Oyo na si Kristine Hermosa via normal delivery.
 
Bukod sa success ng pelikula naming ni Ai ay ‘yung aking bagong apo na talaga naming pagkaganda-ganda. Si Ondrea Bliss, anak ni Oyo at Tin. ‘Yun ang isa sa pinagpapasalamat ko,” pahayag ni Vic.

Ani Vic, nabisita na niya ang kanyang bagong apo at natutuwa siyang pinaghalong Oyo at Kristine ang mukha ng sanggol.

Sa isang statement na ipinadala ni Oyo, sinabi nitong matapos magsilang ng kanilang anak ay nagpapalakas na ngayon si Kristine.
 
“Ondrea Bliss was born yesterday, December 26, through normal delivery at 11:49 p.m. Her weight is 2680 gm. Tin is okay and still recovering. She was brought to the hospital around 6 p.m. yesterday.”

Maliban kay baby Ondrea Bliss ay may adopted son sila Oyo at Kristine na si Quiel.