• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin says he's really working hard on his upcoming teleserye

Coco Martin says he's really working hard on his upcoming teleserye

Coco Martin is putting in a lot of work to live up to the grandness of 'Walang Hanggan.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/28/2011 11:02 AM
Coco Martin says he's really working hard on his upcoming teleserye


122811-coco_main.jpgIsa si Coco Martin sa mga naging maganda ang takbo ng karera sa taong ito. Sa mga pagbida niya sa mga teleserye at isa sa mga pagiging endorser niya, tunay ngang nagningning din ang kanyang bituin sa taong 2011.

At sa pagpasok ng 2012, isa sa mga inaabangan ay ang teleseryeng Walang Hanggan na pinagbibidahan ng mga malalaking artista tulad nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Helen Gamboa at Susan Roces. Inaantabayanan din dito ang bagong tambalan nina Coco at Julia Montes.

Bago sa mga manonood ang tambalan nila kaya nang matanong kung ano ang mga paghahandang ginagawa ni Coco sa serye at sa kanilang tambalan ni Julia, ang sagot niya, “Wala namang matinding preparation basta ang ginawa ko lang, manood ng manood ng manood ng love story na movie and sabi ko nga sa iyo panibagong challenge ito dahil first time kong gagawa ng full love story na soap opera.”

Hindi rin maitago ang tuwa ni Coco sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang serye. “Excited kasi alam namin kung gaano namin pinaghirapan itong proyektong ito. First time kong makakasama sina Mr. Richard Gomez, Dawn Zulueta, Ms. Susan Roces at Ms. Helen Gamboa.”

Pero ano nga ba ang aabangan sa teleseryeng ito? “Talagang nakakainlove ito e, paiinlove-in kayo nitong soap opera na ito.”

Natanong din ang binata kung paano niya ice-celebrate ang bagong taon bago sumabak muli sa trabaho. “Bahay lang magpapahinga and siguro magtutuon ng time para sa family.”

May naiisip pa bang New Year’s resolution si Coco Martin? “Sana ma-manage ko yung time ko sa work at sa family kasi sa sobrang pagiging busy nawawalan ako ng time sa family.”