Kristine Hermosa gives birth to a bouncing baby girl

The actress' hubby Oyo Sotto says they named their daughter Ondrea Bliss.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/27/2011 12:52 PM
Kristine Hermosa gives birth to a bouncing baby girl


122711-kristineoyo_main.jpgMatapos ang ilang buwang paghihintay, nagsilang na sa wakas ang aktres na si Kristine Hermosa sa kanyang malusog na baby girl.

Sa isang statement, sinabi ni Oyo Boy Sotto, asawa ng aktres na isinilang ang kanilang baby girl na si Ondrea Bliss nitong Lunes (December 26).

Ani Oyo, via normal delivery ang pagsilang sa kanilang baby girl. Sa ngayon aniya ay maayos na at nagpapagaling na si Kristine.

Matatandaang sa panayam ng The Buzz noong Nobyembre, ipinaliwanag ni  Kristine ang ibig sabihin ng Ondrea ay "strong and courageous" samantalang ang Bliss ay nangangahulugan naman ng "unmeasurable joy."

Maliban kay Ondrea Bliss may adopted son si Oyo at Kristine na may pangalang Quiel.