• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion rediscovers herself after her breakup with Piolo Pascual

KC Concepcion rediscovers herself after her breakup with Piolo Pascual

KC Concepcion admits she has learned a lot from her past relationship.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/27/2011 9:16 AM
KC Concepcion rediscovers herself after her breakup with Piolo Pascual


122711-kc_main.jpgSa pagtatapos ng taon, isa si KC Concepcion sa nagpa-ingay sa mundo ng showbiz. Sa pinagdaanan nila ng dating kasintahan na si Piolo Pascual, marami siyang mga dadalhin na mga natutunan sa taong 2011 at mga iiwan na rin para sa pagpasok ng bagong taon. “Siyempre siguro pag nakatanggap ka ng highs, meron ding mga lows pero sa bawat maranasan mo na lungkot at hirap you have to have faith na nakaplano lahat yun, na ipasa-Diyos mo lahat ng plano mo beginning of the year pa lang.”

Malakas ang paniniwala ni KC na may rason ang Diyos sa lahat ng nangyayari. “So ako January pa lang bahala ka na Lord sa kung anong gusto mong mangyari so I think keep the faith and be positive about it kasi hindi naman yan dapat iregret e, hindi naman yan malas e. Hindi ako naniniwala sa swerte o malas, hindi talaga, ano yan e faith at nakaplano talaga ang lahat ng mangyayari sa iyo at may dahilan talaga ang lahat.

At nang matanong kung isa ba ito sa mga pinakamahirap na taon na kanyang pinagdaanan. “Oo, meron yung mga mahirap talaga na thankful ako at nagpapasalamat ako na napagdaanan ko kasi siguro makakatulong din yun sa trabaho.”

Nag open-up din si KC sa mga narealize niya sa lahat ng mga pagsubok sa buhay niya. “Saka naramdaman ko talaga na you are not spared, pare-pareho talaga tayong lahat, mayaman-mahirap, artista o hindi, makakaramdam ka ng pag masakit talagang masakit, kapag malungkot malungkot, kapag masaya, masaya so yun, pare-pareho lang talaga tayong lahat.”

Inamin din ni KC na nagkaroon ng unexpected closeness sa kanila ng kanyang pamilya dahil din sa mga pangyayari sa kanyang personal na buhay. “Isa yan sa mga positive na kinalabasan nitong mga low points this year na naramdaman ko yung suporta ng pamilya ko at sinabi nga sa akin ng pamilya ko na bakit pa ako sa labas humahanap ng suporta, bakit hindi dito sa bahay, dito sa pamilya. Sabi ko ‘di ko alam na nandiyan kayo for me kasi ‘di ko nakasanayan tumakbo sa pamilya ko kapag may problema. So ngayon alam ko na ngayon na meron akong pamilya na tatakbuhan.”

Pero inamin ni KC na kinailangan niyang kausapin ang mga kapatid niya at ipaintindi sa kanila ang mga nangyayari. “Kasi siyempre tinatanong din sila sa school ng mga kaibigan nila and the best I can say is its God’s plan.”

May New Year’s resolution ba si KC? “Well siyempre pagdating sa work, hindi ko na muna iisipin ang love life. Love life ko na muna yung mga viewers, sila muna yung mga boyfriend ko saka love life ko.”

Pero hindi pa rin naman sinasara ni KC ang kanyang pintuan sa possibility ng bagong love na pwedeng dumating sa buhay niya, “Well, we’ll see, we’ll see. Hindi rin naman napa-plano yun kasi mas masarap na hindi naplano ang mga bagay-bagay.