• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler describes 2011 as a 'crazy but a blessed year for me'

Baron Geisler describes 2011 as a 'crazy but a blessed year for me'

With his ongoing rehabilitation from alcoholism, Baron Geisler aims to be active again in showbiz.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/27/2011 9:09 AM
Baron Geisler describes 2011 as a 'crazy but a blessed year for me'


122711-baron_main.jpgPangalawang pelikula ni Baron Geisler ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na kasali sa Metro Manila Film Fest. Una na rito ang pelikulang Baler (2008) na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Anne Curtis. “I’m very blessed na makasama ako sa film festival na ‘to ulit, makakasakay na naman kami sa float and the cast.”

Sa interview sa kanya ay itinanggi niya ang naiulat noon na diumao’y hindi niya nagawa ang isang Maalaala Mo Kaya episode dahil lasing daw siya. Sinabi ni Baron na ang totoong dahilan ay hindi siya umabot sa flight ng crew papuntang Canada kung saan isu-shoot ang MMK episode. Pero hindi naman daw siya nagulat kung ibintang na naman sa alcoholism ang dahilan dahil daw nabigyan siya ng brand na ang ganun. “Eh siyempre may past na ako na ganyan so pagka may aberyang kunwari ‘yun nung ‘di ako natuloy sa flight ko, dahil sa immigration, not because I’ve been drinking or lasing ako, hindi,” tanggi ng actor.

Matagal na rin daw siyang walang komunikasyon sa kanyang mga kaibigan at dating katrabaho including John Lloyd Cruz at cast ng Tabing Ilog. Gayunpaman, kung mabibigyan ng pagkakataon ay open siyang makatrabaho muli ang mga ito. “Of course they’re my friends I would like to work with all the actors here in the industry.”

Sa kabuuan, sinabi ni Baron na ang kanyang 2011 ay maganda sa kabila ng mga pagsubok. “Crazy pero it’s a blessed year for me and I’m very thankful and I’m [filled] with gratitude. I’ve learned in the rehab to be patient and humble and my 2011 taught me a lot of lessons din,” pahayag ng controversial actor.

Sa ngayon isa lang ang goal ni Baron, “I now want to be successful in my career and tuloy-tuloy na talaga. And talagang mag-concentrate na talaga ako.”