• Home
  • Fresh Scoops
  • Ariel Rivera is happy about projects where he can express his artistic side

Ariel Rivera is happy about projects where he can express his artistic side

Ariel Rivera talks about his upcoming ABS-CBN teleserye, 'E-boy.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/27/2011 9:11 AM
Ariel Rivera is happy about projects where he can express his artistic side


122711-ariel_main.jpgExcited na ngayon si Ariel Rivera para sa susunod niyang teleserye, ang E-Boy, isang family fantasy teleserye. Ito ang project ni Ariel after ng Mula sa Puso.

Kuwento ni Ariel ang teleserye ay pampamilya at magtuturo ng magagandang aral sa mga manonood. “The story revolves around a family, [it’s about] family, values, [and] love of the father for his son,” kwento ng singer-actor. “It’s a story people can relate to and enjoy really about family. Being Filipinos ‘yun ang priority natin.”

Masaya rin si Ariel sa kanyang pagbabalik sa mainstream TV. “Any time and any chance I get to express my artistic side, I’m always happy about that kasi we all have that in us and for me to be able to express my artistic side, I’m excited about it; I’m happy about it. I’d like to be able to act, to work, [be] constantly moving. I’m happy and I’m thankful [that] I’m given this role and happy to be part of it.”

Isa pang nagpapa-excite kay Ariel para sa proyektong ito ay dahil makakatrabaho niya ang kanyang mga kaibigan na sina Jomari Yllana at Agot Isidro.

Sinabi pa niya na dating magkasama sila ni Agot sa noontime show noon sa ABS-CBN, “So being reunited with Agot, when they told me about it I was extremely happy,” anang actor. Kuwento pa niya ay nagkikita sila ni Agot sa mga get-together at umaasa na sana ay magkatrabaho silang dalawa kung kaya’t isang answered prayer ang E-Boy. Papuri pa niya kay Agot bukod sa pagiging mahusay na artista, “Everybody loves Agot.”