• Home
  • Fresh Scoops
  • Yul Servo hopes that Piolo Pascual will get through the current challenges in his life

Yul Servo hopes that Piolo Pascual will get through the current challenges in his life

The actor-turned politician says his advice to friend Piolo Pascual is to pray to overcome his troubles.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/26/2011 11:26 AM
Yul Servo hopes that Piolo Pascual will get through the current challenges in his life


122611-yul_main.jpgMasaya ngayon ang actor-turned-politician na si Yul Servo dahil balik-trabaho siya. Kasama ngayon si Yul sa isang Metro Manila Film Fest entry at aniya, bukod pa rito ay may nakapila siyang acting project sa entablado. “Merong project ngayon sa Tanghalang Pilipino, [isang] stage play naman aarte uli ako sa stage play,” excited niyang sabi. Aniya, magandang pagkakataon ito para muling mahasa ang kanyang acting skill.

Natanong naman si Yul hinggil sa problemang pinagdaraanan ngayon ng kanyang kaibigang si Piolo Pascual. Aniya, umaasa siyang mareresolba ni Piolo ang problema niya with ex-girlfriend KC Concepcion. Nang tanungin siya kung ano ang reaksyon niya nang mabalitaan ang nangyari, ang na sagot ni Yul, “’Di naman natin alam ang [nangyari] eh, sa akin naman, basta ako kayang-kaya nilang dalawa ‘yan.” Kilala rin daw niya si KC dati pa at nababaitan at nagagandahan daw siya sa dalaga.

Sa isyu namang kinukuwestyon ang kasarian ni Piolo, naging prangka ang sagot ni Yul. “Dati na ‘yan eh.” Nang hingan ng mensahe para kay Piolo sa kanyang pinagdadaanan ngayon, anang actor-politician, “Mag-pray lang sila malagpasan nilang dalawa ‘yan.” Dagdag pa ni Yul ang ganitong pangyayari ay hindi maiiwasan at pinagdadaanan talaga ang ganito sa isang relasyon. Inamin din ni Yul na nang malaman niya ang balita ay kinumusta niya ang kaibigang aktor.

Matatandaang dati ay na-link din sina Piolo at Yul pero sa industriya raw ay hindi maiwasan ang mga ganoong pangyayari.  “Eh hindi maiiwasang mabigyan ng [kulay] ng iba ‘yan eh. ‘Yun nga magkakaroon ka ng kaibigan, masama pa pala ‘pag ganon. Ganun pa man kayang-kaya niya [ang mga intriga na] ‘yan,” ang positive na sabi ni Yul.

Sa ngayon, bukod sa pagiging konsehal ng Maynila ay binibigyang pansin uli ni Yul ang kanyang pag-aartista at nagpapasalamat siya na may mga offers pa rin sa kanya. Natataon din na ang mga proyekto niya ay mga indie films na magaganda naman ang roles na ibinibigay sa kanya.