• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis on her success in 2011: 'There is really nothing more that I can ask for, happy na ako'

Anne Curtis on her success in 2011: 'There is really nothing more that I can ask for, happy na ako'

'The Princess of All Media' says patience and prayers are the keys to her success.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/26/2011 11:48 AM
Anne Curtis on her success in 2011: 'There is really nothing more that I can ask for, happy na ako'


122611-anne_main.jpgHindi maikakailang isa si Anne Curtis sa mga pinakamaningning ang bituin ngayong 2011, mula sa kanyang top-rating show na Showtime, sa box-office hit na pelikula niyang “No Other Woman”, platinum recording album na “Annebisyosa”, pagkapanalo ng Best Supporting Actress sa pelikula niyang “In Your Eyes”, more than a million Twitter followers at ang kanyang mga kaliwa’t kanang endorsements at commercials, siya na nga ang tinaguriang “Princess Of All Media.”
 
Sobrang thankful and grateful lang talaga ako sa lahat ng blessings na dumating sa akin nitong 2011,” ang nasabi ni Anne.
 
Natanong din si Anne kung ano nga ba ang meron sa kanya kung bakit lahat ng magagandang pwedeng mangyari ay nangyari na at mangyayari pa rin sa kanya tulad na lang ng nalalapit niyang concert sa January na “No Other Concert.” “I think having a lot of patience has a lot to do with whatever has come your way -prayers, patience. Praying for patience is one, I think, is the key to maybe the success that I have right now.”
 
Ang 2011 ay definitely taon ni Anne Curtis pero sa darating na 2012, natanong din ang dalaga kung may pangamba pa ba at paano niya mapapanatili kung ano ang meron siya sa ngayon. “Alam mo, sa 14 years na I’ve been in the industry… I really feel that in all aspects of me sinubukan ko na talaga so I’m so grateful and there is really nothing more that I can ask for, happy na ako,” ang nakangiti at kuntentong sagot ni Anne Curtis.
 
Pero hindi rin napigilang tanungin kung may paborito ba si Anne sa mga proyektong kanyang ginagawa, kung pag-arte ba, hosting o pagiging isang singer “I love everything, I really love everything and I enjoy everything.” Parang lahat na nga ay nagawa na ni Anne Curtis pero meron pa ba siyang nais gawin pa? “Business na lang siguro, out of showbiz.”
 
At ni-reveal nga ni Anne Curtis ang nais niyang gawing negosyo kung sakaling magkaroon siya ng pagkakataong gawin ito. “I wanna have my own business line, my own lipstick line, my own fragrance line, my own lingerie line.”