• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto is confident that his team-up with Ai-Ai de las Alas will lead to box office success

Vic Sotto is confident that his team-up with Ai-Ai de las Alas will lead to box office success

Vic Sotto believes that fans of Enteng Kabisote and fans of Ai-Ai de las Alas's Tanging Ina will make 'Enteng ng Ina Mo' a hit.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/24/2011 1:20 AM
Vic Sotto is confident that his team-up with Ai-Ai de las Alas will lead to box office success


122311-vic-main.jpgMahigpit man ang labanan sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan, kampante naman si Vic Sotto na maganda ang laban ng kanilang pelikulang Enteng ng Ina Mo. Ang malaking factor dito ay dahil kasama niya sa pelikula si Ai-Ai de las Alas na gaya niya ay yearly ay may kalahok na pelikula sa MMFF.

Tanging Ina has always been a consistent top grosser and ganun din ang Enteng Kabisote so ‘yung mga tagahanga ni Tanging Ina at [mga] tagahanga ni Enteng Kabisote ay magsasanib-pwersa. Siguro naman iba ang dating kung paano nagkita ang dalawang grupo, paano napunta si Ina Montecillo (Ai-Ai) sa mundo ni Enteng Kabisote (Vic). Ganundin si Enteng kung paano napunta sa Montecillo family na dating presidente.

Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho ang dalawa dahil nang nasa GMA pa si Ai-Ai ay nagkakatrabaho na sila ni Vic. Kumbaga, komportable na sila sa isa’t-isa pagdating sa trabaho. Kuwento nga ni Ai-Ai, “Magandang experience po na nagkasama kami ngayon kasi parang reunion, kasi [sa sitcom na] 1 for 3 siya ‘yung boss ko.”

Puring-puri naman ni Ai-Ai si Vic as a co-actor dahil mahusay raw itong magtrato ng tao. “Gentleman siya. ‘Pag kunwari walang upuan, nahihiya ako kasi tingin ko sa kanya boss,” paglalarawan ng Comedy Concert Queen.

Samantala, sinagot din ni Vic ang tanong kung willing ba siyang magpa-direk sa ibang director. Matatandaan na nagkaroon ng tampo si Wenn Deramas, na siyang long-time director ng Tanging Ina movies, dahil ang kinuhang director sa Enteng ng Ina Mo ay si Tony Y. Reyes, ang long-time director naman ng Enteng Kabisote films and the TV series. Ayaw raw kasi ni Vic na ibang director ang magdirek sa pelikula.

Meron naman, depende sa project,” sabi ni Vic. “Kasi katulad ng Enteng Kabisote series, ‘di naman pwedeng ibigay sa ibang director, kumbaga sa kasabihang, ‘You don’t change horse in the middle of the stream.’ Problema dun, ako ‘yung kabayo, so hindi ako pwedeng mag-ikot.” Pero sabi ni Vic na nag-adjust naman ang kanyang director sa cast ng Tanging Ina para maging maganda ang flow ng trabaho.