• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says she is not counting on winning the Best Actress award

Kris Aquino says she is not counting on winning the Best Actress award

Although Kris Aquino concedes that she won't win as Best Actress at the MMFF, she is confident about the quality of their movie.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/23/2011 11:02 AM
Kris Aquino says she is not counting on winning the Best Actress award


122311-kris_main.jpgSa press conference ng Segunda Mano na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Dingdong Dantes at Angelica Panganiban, tinanong si Kris kung sino para sa kanya ang pinakamahigpit niyang kalaban para sa Best Actress category. Ang prangkang sagot ng Queen of All Media, “I won’t win. Hindi naman ako nananalo ever. Hindi rin, huwag na.”

Depensa ni Kris, “’Di ba makatotohanan naman ako? Pero magaling ako dito. Hahaha!” Seriously speaking, para kay Kris, mahigpit na magkalaban sina Judy Ann Santos para sa pelikulang My House Husband: Ikaw Na! at Maricel Soriano para sa pelikulang Yesterday, Today, and Tomorrow.

Gayunpaman, confident si Kris sa pagsasabing sulit naman na mapanood ang kanilang horror movie na entry sa Metro Manila Film Festival dahil daw, “It takes horror in a different direction. Nilaliman ni Direk Joyce (Bernal). Hindi siya sigaw, hindi siya takot lang, kundi may lalim talga,” pagbibida ng host-actress. Aniya pa, matalino na raw kasi ang Filipino audience ngayon at naghahanap na ng bago. “Kasi ‘di ba ngayon nag-iba, eh. I saw it in No Other Woman, people want something different, this is different and this is different at it’s very best.”

May pinaplano ring isang engrandeng bakasyon si Kris for her kids Josh at Bimby after Christmas. “Dito lang kami [kasama ang] pamilya, maaga ang noche buena namin kasi ‘yung mga kapatid ko may mga in-laws,” kuwento ni Kris about her Christmas plans. “Normally at 10 PM tapos na kami. Lunch time (December 24) ‘yung mga sisters ko—hindi ko na inabala ang presidente (Pres. Noynoy)—will join me and Dingdong Dantes for the screening of Segunda Mano sa first day. They all agreed na ang reunion namin sa sinehan.

Pagsapit naman daw ng Pasko, makakasama ni Kris ang kanyang mga kapatid na babae, samantalang si Bimby ay sasama sa ama na si James Yap. “Tapos 26th in the morning, alis kami.” Pupunta ang mag-iina sa New York, USA. Panonoorin daw nila ang Spider-Man sa Broadway. Ito raw ang pambawi ni Kris sa mga bata sa mga nakaraang panahon na sobrang busy niya.

Siguro nagtatrabaho ako nang maigi because I want my children to have beautiful memories. So sa kanila ito, nag-sacrifice sila ng bongga ng tatlong buwan na they missed me four nights a week and they’re not used to that. So bawi ito sa dalawa at I’ll be home January 9 and live na ako [sa Kris TV] January 9. It’s my yearend vacation, regalo ko sa mga anak ko, it’s just us.”