• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda remains grateful for all the blessings he's had this year

Vice Ganda remains grateful for all the blessings he's had this year

Vice Ganda isn't anxious about surpassing his 2011 career highlights next year.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/21/2011 9:58 AM
Vice Ganda remains grateful for all the blessings he's had this year


122111-vice_main.jpgMaituturing taon ito ni Vice Ganda. Mula sa success ng kanyang second concert sa Araneta Coliseum, ang kanyang hit-show na Gandang Gabi Vice at ang Pinoy boxcoffice hit of all-time na pelikulang niyang Praybeyt Benjamin, sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa lahat ng natatamo niyang blessings, “Masarap, masarap yung feeling kasi ang dami kong natatanggap, may mga konting stress pero mas marami pa rin talaga ang blessings kaya mas masarap ngumiti kahit na may mga problema.”

Inamin ni Vice na may mga pinagdadaanan siyang mga personal na problema pero mas nananaig ang mga kaliwa’t kanang mga magagandang nangyayari sa kanya lalo na sa kanyang karera. “Oo, parang wala na lang kasi yan ang nagpapa-normal ng buhay ko e. Hindi pwedeng lahat blessings kasi nakakawalang-katinuan yun kailangan din may pait para mas matamis ang mga parating na biyaya para mas ma-appreciate mo. Kailangan may kurot paminsan-minsan, bahagi yun ng buhay.

Sa kanya naming personal na buhay, aniya, “Okay naman. ‘Di perfect pero normal naman siya. Ngayon medyo malungkot kasi hindi maganda yung estado ng Lola ko pero okay lang. Pinapasa-Diyos ko na lang lahat.

Hindi siya masyadong okay pero she’s here… Lumabas na siya ng ospital, nasa bahay na siya so hindi pa rin siya masyadong okay. Yung Nanay ko rin  bumalik mula sa America, siya yung nag-aalaga sa kanya.”

Matatandaan na kung si Vice ang masusunod ay gusto niyang dito na manirahan ng tuluyan ang kaniyang Nanay dahil sa matagal din itong nawalay sa kanila at wish nga niya na magtagal ang ina, “Sana mas mag-stay siya ng mas-matagal para makasama niya yung iba kong kapatid bukod sa akin.

At nang matanong si Vice sa kung may takot ba siya sa kung anong mangyayari sa kanya sa taong darating dahil sa pressure ng 2011, “Hindi na, hindi na ako natatakot kasi ano e, last year nung pagdating ng taon na ito 2011 natatakot ako kasi parang ang bongga ng 2010 tapos nung sumobra pa sumagad hanggang 2011 hindi mo pa rin talaga masasabi ang best year mo because the best is yet to come. Talagang ang talino ng Diyos ang dami niyang plano na walang sinumang tao na makaka-anticipate o makakapre-empt ng lahat ng plinano niya. Hindi ako natatakot, bahala na si Lord.”