KC Concepcion renews contract with ABS-CBN

The actress says although she is with new management, she is still very much a Kapamilya.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/22/2011 12:45 AM
KC Concepcion renews contract with ABS-CBN


122111-kc-main.jpgMarami ngang mga hinala, bali-balita at kuro-kuro ang nasabi tungkol sa paglipat daw ng network ng actress-host na si KC Concepcion nang dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Piolo Pascual at nasundan pa ito ng paglipat niya ng talent management. Pero kahapon, December 21, ay pumirma ng one year contract para sa ilang mga ABS-CBN shows si KC at marami nga ang nag-isip na hindi na siya magre-renew ng kontrata with the Kapamilya network. “Why? No,  dito ako lumaki sa ABS (CBN) so siyempre nandito pa rin ako and I’m so happy that I am still with ABS (CBN) and that I have lined-up projects January pa lang, tumatalon talaga ako sa saya kasi  punong-puno talaga yung schedule from Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday hanggang Sunday, ako naman workaholic din, natutuwa din naman ako na I’m still with ABS (CBN) and I’m very excited for the shows.”
 
Hindi nga maitago ang excitement ni KC nang natanong ang dalaga kung ano ang mga projects na naka-line-up sa kanya sa Kapamilya network. “Alam na ng mga tao ang about Alta, nandiyan yung Alta kasama sina Gretchen Barretto, sina Angelica (Panganiban), yun talagang matagal na naming pinaghahandaan ngayon nga official na official na, tuloy na tuloy na. Nandun din ang bagong iho-host na show, talagang gusto kong ituloy ang hosting ko. May mga pagbabago na malalaman niyo din very soon pero mostly positive talaga yung mga mangyayari and makikita niyo ako on ASAP every Sunday, yun natutuwa talaga ako kasi iba talaga yung pakiramdam kapag official na, yung nakapag-sign na talaga and alam mong pumapasok ka sa ABS (CBN) na dito ka.
 
Marami rin ang nagtatanong kung babalik pa ba siya ng The Buzz, “There might be a few changes but its all for the better, “ang nasagot na lamang ni KC.
 
Natanong din si KC kung kamusta na ang mga adjustments at pagbabagong kanyang nararanasan sa paglipat niya from Star Magic to Viva Management ni Boss Vic del Rosario, “Alam niyo mahal ko ang Star Magic at alam na alam nila yan. May mga panahon lang na siguro para sa sarili mong peace of mind, para lang makahinga ng konti yung utak at puso mo parang every one was open about it at naging maganda yung pag-uusap namin nina Tita Mariole (Alberto), Mr M. (Mr. Johnny Manahan), nina Tita Charo (Santos-Concio) and everyone here and I’m in constant communication naman with my Star Magic family, and I always, always consider them my family.”
 
At ang sabi naman ng dalaga about being with Viva Management, “For now I think masarap yung feeling kahit papaano kasi sanay na sanay sila sa ginagawa nila at alam nila kung saan ako dadalhin minsan kasi kahit ginagawa mo yung trabaho mo iba pa rin yung mabigyan ka ng direksyon kasi hindi mo naman lahat yun kaya ng mag-isa.
 
Pero ang nakakaintrigang sagot ng dalaga nang matanong kung pumasok ba talaga sa isip niya na lumipat ng isatasyon, “I’d rather not talk about it but I am very happy to be here and iba pa rin talaga yung pakiramdam na may kontrata ka.