• Home
  • Fresh Scoops
  • Shamcey Supsup admits she'd like Piolo Pascual to be her leading man

Shamcey Supsup admits she'd like Piolo Pascual to be her leading man

While she still hasn't decided to pursue a showbiz career, Shamcey Supsup says working with Piolo Pascual would be a dream come true.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/20/2011 10:14 AM
Shamcey Supsup admits she'd like Piolo Pascual to be her leading man


122011-shamcey_main.jpgSa pagkakahirang ni Miss Universe third Runner-up Shamcey Supsup bilang Ambassador for Architecture ng National Commission for Culture and the Arts, hindi maitago ng beauty queen ang excitement sa bago niyang adhikain na magbigay ng awareness sa mga Pilipino lalo na sa kabataan ang kahalagahan ng architecture sa bansa. “Siyempre nung nakita ko yung invitation na yun ‘di na ako nagdalawang isip. Go, go ako diyan. Kasi as an architect it’s everyone’s dream to become an ambassador for architecture and to express mo kung gaano kahalaga ito sa society kasi maraming ‘di nakaka-appreciate kung ano yung ginagawa ng arkitekto, kung ano ang use ng buildings sa paligid natin so masaya ako na naging parte ako nito.”

Natanong din si Shamcey kung ano ang pakiramdam na mahanay sa iba pang mga bigating Culture and the Arts Ambassadors tulad na lang nina Boy Abunda, Lucy Torres-Gomez, Dingdong Dantes, Piolo Pascual at Ogie Alcasid, “Grabe, privilege na mahanay sa mga batikang celebrities na yan at ako ay bago pa lamang sa industirya na ito at masaya, masaya… marami akong natutunan sa kanila na makes me proud sa pagiging Pinoy.

Patungkol naman sa showbiz, sa pagpirma ni Venus Raj ng kontrata sa Regal, natanong si Shamcey kung may balak pa ba siyang sumabak sa mundo ng entertainment at sundan ang yapak ng sinundang beauty queen. “Lagi po akong tinatanong pero sa ganitong bagay talaga ako nag-eenjoy. Kasi kanya-kanyang expertise naman yan e. Sa akin kung papasok man ako sa ganung larangan kailangan talagang paghandaan at hindi lang basta-basta, kasi ako naman never ako nag-teatro, wala naman akong alam pero kung gugustuhin naman kaya e siguro given enough time talaga kung magtutuloy-tuloy ako it’s going to be something I will be prepared for muna at ‘di lang basta sasabak. Pero I don’t know if I’m going to be comfortable with the camera, hindi ko alam.
 
At nang tanungin si Shamcey tungkol sa mga balitang lumalabas tungkol sa kanila ni Piolo na marami ang nakapansin na nung nakaraang Ad Congress sa Bicol ay nagbubulungan at very sweet diumano ang dalawa, ang nasagot ng dalaga, “Di ko nga siya nakatabi ever at ‘di ko pa siya nakausap ever at nung time na yun ‘di pa kami na-introduce to each other so ang nakausap ko talaga dun si Venus, si John Lloyd (Cruz) at si Maja (Salvador) kasi sila yung mga kasabay namin sa plane pabalik pero si Piolo ‘di ko pa siya nakausap nun…. Pero for Star Awards dun na, kasama ko sina Richard Gomez and Dawn Zulueta kaya dun kami nagkaroon ng time magkausap.”

Willing ka ba to do a project with Piolo Pascual? “Of course, everyone naman dreams to have him as a leading man kumbaga marami akong mga kaklase na idol na idol siya at kinapalan ko na mukha ko kumuha talaga ako ng video from Piolo for my friend kasi sobrang idol na idol siya na nung binigay ko yun pwede na daw siyang mamatay. Sobrang saya niya parang early Christmas gift ko na for her,” ang sagot ni Shamcey.

At nang tanungin siya tungkol sa kanyang love life kung kamusta na, ang matipid na sagot ng dalaga, “Okay naman, masaya.”