• Home
  • Fresh Scoops
  • Sen. Bong Revilla on brother Ramgen's case: 'We have to move on, kailangan maging masaya tayo'

Sen. Bong Revilla on brother Ramgen's case: 'We have to move on, kailangan maging masaya tayo'

Despite the ongoing crisis that the Revilla family is going through, Sen. Bong Revilla says that they are trying to look on the brighter side.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/2/2011 9:12 AM
Sen. Bong Revilla on brother Ramgen's case: 'We have to move on, kailangan maging masaya tayo'


120211-bong_main.jpgNakiusap si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na mag-move on sa hinaharap pang krisis ng kanilang pamilya dahil sa hindi pa nareresolbahan ang pagkamatay ng kanyang half-brother na si Ramgen Revilla. “We have to move on, kailangan maging masaya tayo, kailangan ‘yung outlook natin sa buhay maging positive para positive results,” pakiusap niya sa press conference of ng Ang Panday 2 noong Huwebes, December 1. “Tama na ‘yung [hirap] pinagdaanan natin,” dugtong pa niya.

Prior to this statement ay tumatanggi ang senador na pag-usapan ang nasabing isyu.

Sinikap ring kunan ng pahayag si Sen. Bong sa kalagayan ngayon ng kanyang ama, si former senator Ramon Revilla Sr. na labis na naapektuhan nang malamang nasawi ang kanyang anak. “He’s okay, my daddy’s okay,” paniniyak ni Sen. Bong. “Sabi ko nga we have to move on, hindi pupuwedeng mag-focus tayo d’yan.” Dagdag pa niya, kailangang maging matatag ng kanyang pamilya sa gitna ng pagsubok. “Tama na, let’s not talk about it, mabigat na ‘yung pinagdaanan namin,” muli niyang pakiusap.

Hindi naman niya nakalimutang magpasalamat sa mga miyembro ng press na inunawa ang kanyang pakiusap. Paliwanag niya, sa kabila ng isyung ito ay mas makabubuti sa kanila na sikaping maging masaya. “Nagpapasalamat din ako sa mga kapatid natin sa industriya katulad ninyo na hindi rin kami pinabayaan. Nagpapasalamat kami sa mga prayers ninyo [but] we have to move on, we have to be happy. Tama na ‘yung pinagdaanan namin masyado nang mabigat ‘yon, Pasko na po, Merry Christmas.”

Going back to the movie, sinabi ng actor-politician na bukod sa kanyang pelikulang Ang Panday 2 ay nais niyang suportahan ng mga Pilipino ang lahat ng entries na nalalapit na Metro Manila Film Festival sa darating na Kapaskuhan. “Sa amin friendly competition ito. Ang importante mabuhay natin ang industriyang Pilipino,” aniya. Idinagdag din niya na unti-unti na ring umaangat ang pelikulang Pilipino. “Nakikita naman natin bumabalik na uli ang sigla ng local films kaya nagpapasalamat tayo kaya sana tuluy-tuloy ang suporta ninyo. Gumawa pa tayo ng magagandang pelikula,” anang senador.