Sarah Geronimo says she can relate to her latest movie role

Sarah Geronimo explains that her role in the movie 'Won't Last A Day' hits close to home.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/3/2011 2:16 AM
Sarah Geronimo says she can relate to her latest movie role


120311-sarah-main.jpgBukod sa nabuong friendship nila ni Gerald Anderson, masaya din si Sarah Geronimo sa magandang kinalabasan ng pelikula nilang Won’t Last A Day Without You. “Kinakabahan [ako sa paggawa ng pelikula] pero kuntento na rin kami kasi sobrang saya ng experience na ito. Nag-enjoy naman [kami] nung nakita namin ‘yung pelikula so okay na ‘yun,” ani Sarah. Kapansin-pansin din ang depth ng pag-arte ni Sarah sa movie. “It's good to hear na na-appreciate ninyo ‘yung acting ko this time. Salamat naman po.”

Hindi pinalampas ng press ang pagkakataong tanungin sa kanya kung paano nag-level up ang kanyang pag-arte. Humalakhak muna ang actress-singer bago sumagot. “Sabi ko naman po naka-relate talaga ako sa character ko, ‘yung pagiging bitter ng konti, ‘yun lang.” Ang role ni Sarah ay isang disc jockey na sawi sa pag-ibig at kilala sa pagbibigay ng advice sa mga broken-hearted. “Totoo lahat ng emotions kasi pinagdaanan ko lahat ‘yun e.

Dahil sa dalawang box office record breakers ang sinundan ng Won’t Last A Day Without You, naitanong sa Popstar Princess kung napi-pressure ba siya na kumita rin ang kanyang pelikula. “Honestly nawala na lahat ‘yun. Sabi ko nga hindi naman tayo nandito para makipag-compete sa isa’t-isa. Happy ako sa napanood, ‘yun na ‘yun. Okay na ‘yun,” sagot niya.