Charice back home for early Christmas celebration

The international singing sensation says she has obligations in the US so she's going to celebrate Christmas with her family in Manila in advance.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/3/2011 12:53 AM
Charice back home for early Christmas celebration


120311-charice-main.jpgBumalik sa bansa ngayong Biyernes ng umaga ang singing sensation na si Charice.

Sa paglapag sa Ninoy Aquino International Airport, inihayag ni Charice na bumalik siya sa bansa para magdiwang ng maagang Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Paliwanag ni Charice, maaring hindi siya makapag-Pasko ngayon sa bansa dahil sa mayroon siyang malaking proyektong kailangang gawin sa Estados Unidos.

"Actually gusto ko talagang mag-Christmas dito but I really have a very important work sa States. Gusto ko mang i-cancel pero super important talaga. Nandito ako ngayon hindi lang para sa concert kung hindi para mag-celebrate ng early Christmas na magkakasama kami," ani Charice. "Pero di pa naman sure yon, isang flight lang naman yon at pwede naman akong bumalik anytime pero hindi pa sure yon."
 
Samantala, isang buwan matapos mapatay dahil sa pananaksak ang kanyang ama na si Ricky Pempengco, inamin ni Charice na nagluluksa pa din siya at ang kanyang pamilya.

Aniya, napagaan naman ng kasong murder case laban sa suspek na si Angel Capili Jr. ang kanilang kalooban kahit papaano.

"Nasa States ako nang tinawagan ako ng mommy ko at sinabing murder case nga ang isimpa. Siyempre part of me masaya dahil nabigyan ng hustisya ang dad ko, pero hindi ko pa din tanggap ang fact na wala na lahat 'yon nangyari. Wala na ang daddy ko at kahit lahat yon eh nangyari, wala na ang buhay ng daddy ko," ani Charice.

Ngayong gabi ay nakatakdang mag-daos ng show si Charice sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.