Vic Sotto and AiAi delas Alas give their Christmas wishes

The main stars of 'Enteng ng Ina Mo' only wish the best for their kids.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/18/2011 9:01 PM
Vic Sotto and AiAi delas Alas give their Christmas wishes


121711-vic-ai-main.jpgNaging makwela ang guest appearance nina Vic Sotto at AiAi delas Alas sa The Buzz kahapon. Palibhasa’y parehong komedyante, napuno ng biruan at naging interesting ang interview sa dalawang bida ng Metro Manila Film Festival entry na Enteng ng Ina Mo. Sina Kris Aquino at Boy Abunda ang nag-interview sa dalawa.

Naging seryoso naman ang dalawa nang matanong sila sa kanilang wish ngayong darating na Pasko. “Gusto ko makatapos sila ng pag-aaral,” ang wish ni AiAi sa kanyang tatlong anak. “’Yung dalawa (anak na lalaki) kasi nasa London, nagbabakasyon. Birthday gift ko sa kanila tsaka graduation gift. Tapos si Sofia gusto ko in case kung magkaroon siya ng boyfriend gusto ko huwag siyang magmana sa love life ko. ‘Yung love life ko flop, eh. gusto ko  siya maganda (ang love life niya).”

Para sa mga anak din ang wish ni Vic sa kanyang mga anak. “For Danica, more babies. Ang galing niyang nanay. Cool. ‘Di naman talaga siya nahihirapan ‘pag buntis and they make a good couple (sila ni) Mark Pingris.” Para naman sa kanyang anak na lalaki na si Oyo, excited daw siya dahil magiging mga magulang na sila ng kanyang asawang si Kristine Hermosa. May ampon din ang dalawa na lalaki, si Kiel. Para naman sa anak nila ni Coney Reyes na si Vico, sana raw ay makapagtapos ito ng abogasya na naka-graduate ng political science sa Ateneo de Manila University. Marami namang panalo para sa kanyang isa pang anak na si Paulina, na ngayon ay isang varsity golf player naman para sa Ateneo . “She’s really having fun and I just want her to have a fun college life,” ani Bossing.