• Home
  • Fresh Scoops
  • Mario Maurer reveals no one thought he would be a heartthrob when he was younger

Mario Maurer reveals no one thought he would be a heartthrob when he was younger

The Thai actor says he does not intend to grow old in showbiz and all he wants to do is share his time with his family.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/18/2011 9:06 PM
Mario Maurer reveals no one thought he would be a heartthrob when he was younger


121711-mario-main.jpgIpinalabas kahapon ang exclusive interview ni Boy Abunda kay Thai heartthrob Mario Maurer at tinanong ang aktor hinggil sa kanyang makulay na buhay.
Interestingly, sinabi ni Mario na hindi raw siya guwapo nung kabataan niya. May suot nga raw siyang salamin noon dahil malabo ang kanyang mga mata. “I just go around and nobody thinks I will be a movie star,” sabi niya.

Isa pang interesting fact about Mario ay ang kanyang malapit na kaibigan na half-Pinoy, half-Thai na nagsasabi sa kanya noon na ang Pilipinas ay tila isang malaking shopping center. Ang kanyang kaibigan din ang nagsabi sa kanyang subukan ang adobo.  Pero hindi raw marunong mag-Tagalog ang kaibigan niya at siya pa raw ang nagturo dito ng mga katagang “mahal ko kayo” na natutunan ni Mario nang una siyang bumisita sa Pilipinas. Aniya sinasabihan raw niya ang kaibigan na kailangan ay matuto siyang magsalita ng Tagalog.

Hindi rin itinatanggi ni Mario na meron siyang long-time girlfriend, si Gubgib o Sumontip Leuangthai isang sikat na aktres sa Thailand. Hindi raw siya takot na aminin ang tungkol sa kanilang relasyon dahil may sarili naman siyang buhay. Dagdag pa niya, siya ay tapat sa relasyon at kahit daw di masamang tumingin sa ibang babae ay hindi siya nakikipagrelasyon sa iba pa. Dahil guwapo si Mario, nilalabanan raw niya ang tukso sa pamamagitan ng pag-iisip ng masayang pagsasama nila ng kanyang girlfriend. “If you like her to be honest with you, you have to be honest with her,” sambit pa ni Mario.

Malapit din ang Thai actor sa kanyang pamilya. Sa katunayan, hindi raw siya nahihiyang sabihan ang kanyang ina at kapatid na mahal niya ang mga ito.
Kung sakaling mag-asawa, nais raw niyang magkaroon ng dalawang supling na parehong lalaki. “I would like to have kids when I’m not too old,” pag-amin niya. “My dad had me when he was quite old so he passed away very fast.” Kung bata pa raw ay makakasama niya ng mas matagal ang kanyang mga anak. Sa tingin daw niya ay hindi siya tatanda sa showbiz dahil ang gusto lang daw niya ay makasama ang mga mahal sa buhay.