Kris Aquino says she will be an 'actress' in 2012

The Queen of Talk says that she is willing to love again but when the time is right.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/18/2011 9:11 PM
Kris Aquino says she will be an 'actress' in 2012


121711-kris-main.jpgNaging special co-host si Kris Aquino sa The Buzz kahapon, December 18. At dahil meron din siyang pelikula for the Metro Manila Film Festival, na-interview din siya about her film entry Segunda Mano, which also stars Dingdong Dantes and Angelica Panganiban.

Sa interview ay nagkatuksuhan din hinggil sa pagkakaroon ng love life ni Kris. Sinabi ng Queen of Talk na open siya sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig pero dasal niya ay hindi sa 2012 iyon ibibigay. “2013 na lang kasi sa 2012 I am an actress. ‘Yan ang aking mantra,” natatawang pahayag ni Kris. Excited na ibinahagi ni Kris ang kanyang mga upcoming projects sa ABS-CBN dahil ibang side niya ang kanyang ipapakita.

“I can confirm it, I cannot say who are the leading men pero I can say that Anne Curtis and I will definitely do our teleserye in 2012. I’m so excited about that. And then may movie ako na hindi po horror, pinagkatiwalaan na po ako finally ng Star Cinema na bigyan na ako ng drama, so I am an actress.” Pero kahit nakatuon si Kris na maging mahusay na aktres ay hindi naman siya umaasang manalo ng acting award.

Habang kaya pa niya, hangad ni Kris na paghusayin ang sarili bilang aktres.  “Si Direk Chito (Roño) alam mo kung gaano kaprangka siya, sinabihan niya ako, ‘Hoy, Krissy, Miss Witch,’ Witch ang tawag niya sa akin. ‘Kung ‘di mo pa gawin ito ngayon, tapos na hindi ka na pagnanasahan, umoo ka sa akin na magla-love scene ka, shooting na tayo.’” Umoo naman daw si Kris dahil nagandahan siya sa istorya. “Na-realize ko na it’s about a breakdown of a relationship. In any relationship there is passion, there is love, there is hatred. It’s all facets of that and siguro naman naramdaman nila na ready na ako for that so excited ako for that.”  

Nang tanungin siya ni Boy Abunda kung pipiliin ba niyang umibig kung biglang dumating ang pag-ibig sa kanya sa 2012 kahit hindi niya balak, ang sagot ni Kris, “Yes.” Pero dagdag niya ayaw raw niyang gawin ang mga bagay na wala sa tamang panahon. “Sa oras na mabigay ‘yung annulment papers tapos kasi may rule d’yan 60 days, dapat tumahimik ka. Dapat ‘di mo i-announce ‘di mo pag-usapan baka i-contest pa. After those 60 days at dumating siya sa buhay ko eh ‘di goodbye to being an actress.”  

Samantala sinigurado naman ni Kris sa kalidad ng kanilang upcoming MMFF entry at confident sa pagsasabing itataya niya ang buong angkan niya sa pelikulang ito.