• Home
  • Fresh Scoops
  • Are John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao back together again or not?

Are John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao back together again or not?

German Moreno, a close friend of the couple reveals that there is a big chance that Shaina and John Lloyd will get back together again.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/18/2011 9:39 PM
Are John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao back together again or not?


121711-jlc-main.jpg
After the controversy between him and girlfriend Shaina Magdayao, mukhang unti-unti nang nakakabangon muli si John Lloyd Cruz. “I am indeed better than ever,” pagkumpirma niya at malaking bagay raw na napapaligiran siya ng mga taong gusto niya. “To be with my friends and ‘yung mga people who value as who you are what you are and what you can give. Ako ayoko nang i-dissect kung ano ang pinanggagalingan ng tanong, ng intensyon para pag-usapan pa. I just wanna focus on what’s good and what’s kind and what’s positive.”

Natanong din si John Lloyd kung gumigimik pa ba siya. Matatandaang  may mga bali-balitang lumabas na sinasabing nakita raw ang aktor sa mga bar at sobrang nalasing. “Hindi naman talaga ako gumigimik as in clubbing and going to the bars, hindi naman,” paglilinaw ni Lloydy. “Siguro dahil nababakante ako from work nagkakaroon ako ng time na mas matulog nang maaga. Never naman akong naging hindi healthy living.”

Naging matipid naman sa sagot si Lloydy nang kamustahin sila ng kanyang girlfriend at kung nagkaayos na ba sila ni Shaina. “Bakit? I’ll let you know, ha. Wala po akong gustong sabihin kahit kanino nasabi ko na ang gusto kong sabihin,” sagot ni Lloydy.

Subalit nakunan naman ang dalawa na magkasama sa concert ni Jed Madela just recently na tila nagkukumpirma na bumubuti na uli ang kanilang samahan.
Naging makahulugan din ang pahayag ni German Moreno na kilalang malapit sa dalawa. “Hind ko tinatapos ang kabanata baka bukas makalawa magkabalikan dahil balita ko nagpaliwang si John Lloyd kasama si Shaina. Kung meron mang pag-asa kung talagang magkakaron ng pagbabago, bakit hindi? Siyempre si Shaina nabikita ng mga intriga, ganyang balita (at) paratang. Sa akin si John Lloyd ay mabait na bata naman, eh kaya lang sana matuto rin siya. Kung meron nakikitaan ng iba na ‘di 
dapat makita ang iba, huwag niyang gawin.”