• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu talks about her kilig performance with Xian Lim at the ABS-CBN Christmas Special

Kim Chiu talks about her kilig performance with Xian Lim at the ABS-CBN Christmas Special

Kim Chiu feels overwhelmed by fans' warm reception of her love team with Xian Lim.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/17/2011 12:57 AM
Kim Chiu talks about her kilig performance with Xian Lim at the ABS-CBN Christmas Special


121711-kim-main.jpgPinatotohanan ng My Binondo Girl stars na sina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang undeniable chemistry sa kanilang production number sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum noong Martes, Disyembre 12. Grabe ang hiyawan ng fans sa kilig nang kantahin nila ang “Miss Kita Kung Christmas” lalo na nung sinorpresa ni Xian si Kim at inabutan niya ito ng bouquet of flowers.

Sobrang saya ni Kim dahil mas positibo ang reaksyon ng tao sa bago niyang leading man. “Nakakagulat yung pagtanggap ng mga tao kasi first time namin lumabas ni Xian sa Araneta. Nagustuhan nila yung love team namin kaya nakakatuwa,” ani Kim ng makapanayam siya ng Push.com.ph at iba pang ABS-CBN reporters backstage.

Nang tuksuhin siya na balak siyang bigyan ng regalo ni Xian ngayong Pasko, inamin ni Kim na meron din siyang regalo para dito. “Talaga ha? Aabangan ko ‘yan! Hahaha! Kung may regalo ako kay Xian? Siyempre meron naman akong mga gift and isa siya sa mga taong bibigyan ko ng regalo ngayon Pasko.

Aminado si Kim na matagal na silang magkaibigan ni Xian at marami ang umaasa na mas lumalim pa ang kanilang relasyon sa mga susunod na araw. Pero nagpakatotoo lang si Kim nang tanungin namin siya kung may romantic feelings na sila para sa isa’t isa ngayon.  “Ano naman, maayos naman kami ni Xian. Wala pa naman something special. Pero masaya naman siyang kasama.

Don’t miss Kim Chiu and Xian Lim’s kilig song number in the 2011 ABS-CBN Christmas Special, which airs on December 17 and 18 at 9:45 pm.