• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz admits that he's trying to work things out with Shaina Magdayao

John Lloyd Cruz admits that he's trying to work things out with Shaina Magdayao

Although they are not officially back together, John Lloyd Cruz says Shaina Magdayao is worth fighting for.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/16/2011 9:50 AM
John Lloyd Cruz admits that he's trying to work things out with Shaina Magdayao


121511-jlc-main.jpgSa ginanap na presscon/contract signing para sa kanyang ikalawang taon bilang endorser ng Magic Flakes, Huwebes, Disyembre 15, binigyang linaw ni John Lloyd Cruz ang tunay na estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao. Ito ay matapos silang makitang magkasama sa isang concert at wedding event kamakailan. “No, we’re not [back together]. Not officially.” Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang aktor na maaaring magkabalikan silang muli ni Shaina. “From my end [it still exists].”

Iniiwasan lang niyang magdetalye tungkol sa nangyayari sa kanyang personal na buhay dahil baka pagsimulan pa ito ng panibagong intriga. “About that matter, siguro it's best if I keep my mouth shut muna. Since masyado siguro akong naging open sa media [at] sa public ng personal life ko. Parang naging out of control na yung mga ilang nangyari. Siguro the best way to protect it for now is to keep it to myself. And let it be as private as possible.”  

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ni Vina Morales na nagkabalikan na ang kapatid nitong si Shaina at si John Lloyd. Nang tanungin ang aktor tungkol dito, paiwas itong sumagot at sinabing maganda ang samahan nila ng ex-girlfriend hanggang ngayon. “Maayos naman kami even shortly after what's happened. And kung ano man yung mga naging problema, I had to attend to it, everything, especially kapag related sa family. Yun lang ang in-address ko. For now, that’s really all I can tell. Maayos kami. Wala naman kaming problema. We’re okay.”

Ayon pa kay John Lloyd, hindi naman daw niya itinatangging nag-de-date ulit sila ni Shaina. At unti-unti niyang dinidiskubre kung paano alagaan ng tama ang isang relasyon. “We spend time together, watching concerts... Hindi naman para ibulgar yung mga bagay na gusto naming gawin together or individually. Siguro we’re still trying to discover how to really take care of something like this. Yun ang pinakamasasagot ko. I’m still trying to discover the best way how to take care of this.”

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang relasyon, para kay John Lloyd ay worth it daw na ipaglaban niya si Shaina at maging sila muli. “Yeah. Kung paano mo siya naiisip, hindi naman mahirap e. Siguro gusto lang niyo marinig from us. Pero lahat din naman kami [na artista] kagaya niyo, normal na tao, may normal na buhay, may normal na relasyon. Kung paano niyo siya naiisip, hindi malayo yung our most sincere desires.”

Naikwento rin ni John Lloyd na excited siya dahil nakatakda siyang magbakasyon sa isang malayong lugar kasama ang kanyang pamilya during Christmas break. At posible raw na imbitahin niya si Shaina na sumama sa kanila. “Dito lang ako on Christmas Day. But there's a big trip for me and my family and inviting her is a possibility. Open naman [kami]. I’m okay with her family. She’s okay with my family.”

Check out Push.com.ph’s video section for full details about John Lloyd Cruz’s reconciliation with Shaina Magdayao. (click here)