• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim plans to give Kim Chiu a special gift this Christmas

Xian Lim plans to give Kim Chiu a special gift this Christmas

Xian Lim says Kim Chiu keeps him inspired at work.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/15/2011 9:58 AM
Xian Lim plans to give Kim Chiu a special gift this Christmas


121511-xian_main.jpgInspirado si Xian Lim na mas pagbutihan ang kanyang trabaho sa set ng My Binondo Girl dahil mas lumalalim ang samahan nila ngayon ni Kim Chiu. “We’re just enjoying every single moment that we have with each other. We feel very comfortable with each other and masaya lang. I look forward [to] going to the set every single day. Seeing her and doing scenes with her,” ani Xian ng makakwentuhan siya ng Push.com.ph sa ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum noong December 13.

Pero hindi naman raw siya nakakaramdam ng pressure na madaliin kung ano naman ang nararamdaman niya para sa aktres. “Siyempre hindi naman pwede pigilin ang nararamdaman ng puso. Kapag nangyari ‘yan, mangyayari ‘yan. Basta walang pigilan ng nararamdaman. Ang nararamdaman ng puso ko ngayon, masaya at inspired.”

Nag-iisip na rin siya kung anong magandang iregalo sa kanyang leading lady sa darating na Pasko. “Secret ‘yan. Siyempre hindi ko ‘yan ibubunyag sa inyo. Siyempre Pasko, it’s all about giving and making people happy especially the people who are special to you ‘di ba?” Kung mabibigyan ng pagkakataon, maaaring lumabas daw sila ni Kim kasama ng iba nilang co-stars sa soap ngayong bakasyon.

Samantala, hindi nakalimutang magpasalamat ni Xian sa ipinakitang suporta ng fans nila ni Kim sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special. “We had a fashion show after the opening and then Kim and I had a love team production number. It was really fun and exciting. It makes us happy na napasaya namin sila. Thank you very much for their support.”