• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says her Christmas wish is 'freedom' from ex-husband James Yap

Kris Aquino says her Christmas wish is 'freedom' from ex-husband James Yap

Kris Aquino wants the annulment of her marriage to James Yap approved soon so she has the freedom to love again.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/15/2011 10:06 AM
Kris Aquino says her Christmas wish is 'freedom' from ex-husband James Yap


121511-kris_main.jpgPaglilinaw ni Kris Aquino hindi naman daw siya magiging malungkot ngayon Pasko. “Actually happy naman ako, parang happy naman ako,” at biglang natawa si Kris sa pahayag niya. “Bigla daw kinuwestyon kung happy daw ako. Parati kasing sinasabi sa akin ng kapatid ko, my kapatid meaning ‘yung dalawang sisters ko; my Ate Ballsy at si Pinky, ‘Happy ka na with the love from your boys (sons Joshua and Baby James). Sana okay na ‘yan.’ Sinabi ko, ‘Oo naman, okay.’”

Dagdag pa ng Queen of Talk, medyo naaalala raw niya ang pagkakaroon ng relasyon dahil nakikita niya kung gaano kasaya ang mga katrabaho niyang sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban sa kani-kanilang relasyon. “Ang ano lang talaga kasi when you’re working with people in happy relationships, that’s when you compare what you don’t have. Nakita ko kasi na ideal and loving boyfrirend talaga si Dong, nakita ko kung gaano maalaga at solid ang relationship ni Angelica at Derek (Ramsay) so ‘yun lang. Buti na lang si Direk Joyce (Bernal) is lonely so I don’t feel alone,” pagbibiro pa niya. Kasama ni Kris sina Dingdong at Angelica sa Metro Manila Film Fest entry na Segunda Mano.

Naging kuwela din si Kris sa opagsabi na ayaw na raw niyang magkaroon pa ng bagong lalaki sa buhay niya. “Hindi na siguro ako magkakaroon ng lalaki sa buhay ko. Kasi ‘pag sinabi kong ganon kokontrahin ‘di ba. Baka may dumating. So ayun ang sinasabin ko it’s not going to happen so it can happen. Reverse psychology lang ito. Nire-reverse ko lang.”

Naging seryoso naman ang usapan nang tanungin si Kris sa kanyang Christmas wish. “My Christmas wish sana would have been sana a solid family, but since it did not work out I want freedom for him (ex-husband James Yap) and freedom for me, and I want finality. Sinabi ko nga hindi ko na inaasahan na may lalaki pang darating pa sa buhay ko but I want that option. Malay natin ‘di ba baka sa eroplano may makatabi ako. Alam mo ‘yung mga ganong sitwasyon, baka madapa ako sa mall may pumulot sa akin. You’ll never know. I want that freedom to love again. Right now I don’t have that freedom because we’re not yet legally free to do so. Iba pati ang sitwasyon sa lalaki eh, lalaki si James, walang mawawala. Aquino ako may, mawawala sa akin.”