• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin speaks up on the possibility of a future with Phil Younghusband

Angel Locsin speaks up on the possibility of a future with Phil Younghusband

Angel Locsin says she and Phil Younghusband are very happy with what they have now.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/15/2011 10:02 AM
Angel Locsin speaks up on the possibility of a future with Phil Younghusband


121511-angel_main.jpgExcited si Angel Locsin sa bago niyang pelikula with John Lloyd Cruz. Sa shooting ng kanilang pelikula nakausap ng press si Angel at kinamusta ang working relationship nila ngayon ni John Lloyd Cruz mula ng matapos ang teleseryeng Imortal.May paninibago kasi mas kabisado ko siya as Matteo sa Imortal kasi dito iba. Ang cute ng character dito ni Lloydy, kakaiba na aabangan ng mga tao kung paano niya ginawa yung character niya, sa akin din iba character ko dito kaya yung rhythm and timing, galing pa rin.”

Sinisigurado rin ni Angel na ibang-ibang ito sa mga naggawa nila ni John Lloyd, “Kakaibang experience nanaman bukod sa panibagong characters namin dito ni Lloydy, iba yung makaggawa ka ng ganitong genre na ganito, very real. Hindi siya yung very heavy drama or nagttransform ka, sinasabit ka sa mga puno at kung saan-saan, mas real siya!

Natanong din ang aktres kung nagpatuloy ba ang komunikasyon at friendship nila ni John Lloyd kahit na nagtapos ang serye nila noon. “Di naman kami nagkikita pero okay naman kami, kamustahan ganun hindi kami nakakalabas pero ‘pag sa trabaho kami ‘di naman nawala yung paano kami.”

Inamin kamakailan ni Phil Younghusband na nakikita niya ang kanyang future kay Angel at nang kunin namin ang rekasiyon ng dalaga ukol dito, “Maganda yan kung kami muna unang mag-usap. Kasi nauna pa kayo sa akin kaya di ko alam ire-react ko e. Magte-twenty seven na ako next year, twenty six na ako, siyempre naiisip mo na ayaw mo nang mag-waste ng time. Gusto mo na yung kasama mong tao hindi na yung trip lang pero sinisigurado pa namin, ni hindi pa nga namin napag-uusapan. Wala pa nga kaming formality and all pero right now we are very happy kung anuman ang nangyayari sa amin, kung ano ang takbo. Iba yung happiness namin and kung matuloy siguro ito hindi natin masabi pero sana, sana!

At dahil nalalapit na nga din ang Pasko, natanong din si Angel kung ano ang kanyang mga plano sa okasyong ito, “Every Christmas talaga sa bahay kami pero gusto ko sana after, never pa kasi kami nag-out of the country kasi hassle sa tatay ko pero may sinabi ako sa kanyang lugar, chinika-chika ko mukhang nagustuhan naman niya sana matuloy kasi never pa kami na grupo ng pamilya na lumabas.”

Natanong din si Angel kung sa bahay ba nila magno-Noche Buena si Phil at ang matipid na sagot ng dalaga, “Welcome sila sa bahay kung gusto nila.”