• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban clears up rumors about an airport incident

Angelica Panganiban clears up rumors about an airport incident

Angelica Panganiban airs her side about a recent incident involving airport employees.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/14/2011 10:21 AM
Angelica Panganiban clears up rumors about an airport incident


121411-angelica_main.jpgSinagot na rin ni Angelica Panganiban ang mga naglalabasang blind item na diumano’y isang aktres ang gumawa ng eksena sa NAIA international airport kamakailan at pinagmumura pa diumano ang immigration officers doon nang ma-hold siya sa airport dahil nagkaroon ng problema. Hindi man pinangalanan sa blind items ay kay Angelica itinuturo ang mga clues.

Sa press conference ng Segunda Mano, kung saan kasama ni Angelica sina Kris Aquino at Dingdong Dantes, inamin ni Angelica na nagkaroon ng problema sa NAIA nang dumating siya mula sa isang trip pero itinanggi niya ang mga akusasyon gaya ng pagmumura at gumawa ng eksena.

Palabas na dapat kami ni Pooh and then hinarang kami nung parang [immigration officer]. Sabi niya, ‘Ay babayaran n’yo ‘yan, babayaran n’yo ‘yan,’” pertaining to the signature bags na dala ni Angelica na dapat daw magbayad siya ng customs tax.

Sabi ko [sa immigration officer], ‘Magkano po?’ So nagsulat na siya, sabi ko, ‘Magkano po ang babayaran namin?’ Sabi niya [sa kasama niya], ‘Kausapin mo. Sagutin mo ‘yung tanong niya.’ Sabi ko, ‘Hindi po ba pwedeng kayo ang sumagot?’ Sabi ko, ‘Huwag naman po kayong ganyan.’ Kasi syempre gusto ko malaman kung ano ang babayaran ko,” paglalahad ng aktres.

Nang tanungin daw siya ng officer kung magkano ang mga pinamili niyang bag ay hindi raw sumagot si Angelica at sinabi lamang na hindi niya alam. Pagdudugtong niya, “Sabi niya, ‘O sige!’ So nag-imbento na lang siya ng price.”

Pagkatapos daw niyon ay sinabihan sila na bayaran ang ibinigay na amount. Paglilinaw ni Angelica hindi niya nagustuhan ang pakikitungo sa kanya ng opisyal lalo pa’t dumating siya sa airport ng ika-5 ng madaling araw at galing sa 14-hour flight. “Parang ang rude lang na iwe-welcome ka ng ganun pagkatapos ng 14 hours na biyahe, eh kinakausap ko nang maayos, ginaganun-ganun niya ako.”

Itinanggi rin ni Angelica ang mga bali-balitang nagmura raw siya. “No, no, no. Hindi ah! Maraming tao do’n nakaka-ano naman,” sabi niya. Pati raw ang mga balitang ang kasama niya noon na si Pooh ang nagbayad daw sa hininging payment sa kanyang for her purchased bags. “Hindi po ‘yon totoo. Ako ho ‘yung nagbayad. Actually ‘yung sweldo ko, ‘yung dollars ko kasi walang credit card hindi raw sila tumatanggap. Kailangan daw cash so meron akong remaining P6,000 and then ‘yung dollars ‘yung ibinigay ko. Nagkulang na lang ako ng P600 si Pooh na ang nag-abono no’n. Kasi hindi kami makakalabas eh kasi ‘yung ATM nasa labas so andun lang talaga kami sa loob.”