Vice Ganda signs a two-year exclusive contract with ABS-CBN

Vice Ganda talks about his new management and his current relationship with Ogie Diaz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/13/2011 10:30 AM
Vice Ganda signs a two-year exclusive contract with ABS-CBN


121311-vice_main.jpgPumirma ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN si Vice Ganda kasama ang bago niyang manager na si Deo Endrinal noong December 12. Sa kanyang contract signing natanong ng Push.com.ph kung kamusta na siya matapos nga niyang humiwalay sa poder ni Ogie Diaz bilang manager niya. “Hindi naman kami nagkaroon ng problema o hindi kami nahirapan kasi smooth naman yung pagtu-turn over from lahat ng mga trabaho at lahat ng obligasyon from Ogie to Sir Deo maayos naman at saka alam ko naman na I am in good hands kasi kaming dalawa ni Ogie ang nagdesisyun nito e.

Natanong din namin si Vice kung naging mahirap ba sa kanya na tuluyang umalis dahil bukod sa manager niya si Ogie, kaibigan niya pa itong matalik. “It wasn’t hard at all dahil hindi nga ito biglaan e, naging proseso siya, proseso naming dalawa ni Ogie. Hindi mahirap, hindi kami nag-away. Maganda yung naging pag-uusap namin, saka nagtutulungan kami, hanggang ngayon tinutulungan pa rin naman ako ni Ogie e. Wala namang nagbago masyado e parang yung trabaho lang naibigay lang kay Sir Deo pero yung relasyon namin parang wala namang masyadong nagbago.”

Kapansin-pansin din ang bagong tattoo sa leeg ni Vice Ganda at nagkalokohan pa nga sa contract signing nang mapansin ito ni Ms. Charo Santos na wala daw yun diumano sa kontrata, pero nang matanong din ng Push kung ano nga ba ang istorya sa likod ng bago niyang tattoo sa leeg, “Noon pa ito e kasi ito yung para sa concert ko sa Araneta at ang daming nagsunod-sunod, yung Gandang Gabi Vice, yung movie. Ang dami so ‘Ay, deserve ko ulit ang Star,’ matagal ko na talagang gustong magpalagay pero wala lang time at walang okasyon na pagla-launch-an ko ng tat kaya sabi ko tamang-tama maga-grand finals ang Showtime.

Masyado akong fascinated sa mga stars. Malaking bagay sa akin ang bituin pag nakakakita ako ng bituin natutuwa ako kahit sa damit lang, kahit sa drawing masyado akong natutuwa sa kanya,” dagdag pa ni Vice.

At nang tanungin kung sino ba ang kasama niyang nagpalagay ng tattoo, “Si Jon (Avila) at si Ryan Bang.” Matatandaan na si Jon Avila din ang kasama ni Vice nang nagpalagay ito ng tattoo na pulang bituin sa kanyang kamay kaya natanong na din kung si Jon ba ang “tattoo partner” niya, “Kinunsulta ko siya, saka lagi kaming magkakasamang tatlo. Magbabarkada kasi kaming tatlo kaya kahit saan kami pumunta magkakasama kami lagi hanggang dito sa pagpapatattoo.”

Bakit sa leeg? “Kasi ako naman kung magpapa-tattoo ako gusto ko naman ipakita. Yung iba kasi magpapa-tattoo tapos iha-hide tapos ayaw ipakita e nagpa-tattoo ka pa e wala namang makaka-appreciate kaya ako nagpaggawa sa kamay e yung kapag hawak ko yung mic, kasi para sa concert ko, kitang-kita yung visual ‘di ba?

At nang mapunta sa usapin ng kung may worries siya sa kanyang karir sa darating na taon, aniya, “Hindi na ako natatakot kasi ano e, last year nung pagdating ng taon na ito 2011 natatakot ako kasi parng ang bongga ng 2010 tapos nung sumobra pa sumagad hanggang 2011. Hindi mo pa rin talaga masasabi ang best year mo because the best is yet to come.”