Gov. ER Ejercito and Robin Padilla to do a movie together

ER Ejercito out that his friendship with Robin Padilla goes way back.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/13/2011 10:19 AM
Gov. ER Ejercito and Robin Padilla to do a movie together


121311-er_main.jpg“Miscommunication lang ‘yon hindi lang maganda ang pagka-edit sa television pero wala kaming samaan ng loob,” paglilinaw kamakailan ni Laguna Mayor ER Ejercito hinggil sa relasyon nila ngayon ni Robin Padilla matapos ang diumano’y hindi pagkakaunawaan nila kamakailan.

Matatandaang sa ilang interview ni Robin ay may mga pasaring siya sa actor-politician nang umatras ang action star sa Metro Manila Film Festival dahil hindi matatapos sa tamang oras ang pelikula niyang Mr. Wong at nabigay ang slot kay E.R. para sa pelikula niyang Manila Kingpin: The Asiong Salonga story. Una nang nilinaw ng gobernador na hindi na kailangang mag-alala ni Robin sa ibinayad niyang performance bond na P500,000 sa MMFF organizers dahil ibabalik daw ito sa kanya ng organisasyon.

Dagdag pa ni Gov. E.R sa relasyon nila ni Robin, “Actually sabay kaming nag-artista ni Robin dati. Pareho ang dating manager namin, si Deo Fajardo. Iisa lang ang idolo namin si James Dean atsaka si Bruce Lee.” Masaya rin niyang inihayag na magkakasama sila sa isang film project. “Sa katunayan ay gagawa kami ng pelikula. Siya ang gaganap na Supremong Andres Bonifacio sa El Presidente kaya walang samaan ng loob.” Ang sinasabing pelikula ng pulitiko ay ang pelikulang kung saan siya ang nasa title role at kasama rin dito ang Superstar na si Nora Aunor bilang si Maria Agoncillo, ang pangalawang asawa ni Aguinaldo.

Hindi rin naniniwala si Gov. ER sa balitang hinamon siya ng suntukan ni Binoe. “Ah hindi walang nangyaring ganyang hindi kami aabot sa ganyan dahil para kaming magkapatid. Hindi naman siya umatras [sa MMFF] siya ang nagbigay sa isang kaibigan. Para kaming magkapatid niyan eh.”

Excited naman ang gobernador sa kanyang pelikula na nag-iisang action movie. Ayon sa kanya layon din ng pelikula na muling maipakilala ang action films. “Nakakasawa na, nakakaumay na ang horror, drama comedy, fantasy. It’s about time na maibalik na natin ang action films,” aniya.

Unang ginampanan ang role ng Asiong Salonga ni former president Joseph Estrada 60 years ago at sinundan naman ni Rudy Fernandez (1978) at kilala ang notorious icon na ito bilang bagong Robin Hood. Gayunpaman, nilinaw ni Gov. ER na ang pelikula ay naglalayong ituro na ang marahas na pamumuhay ay sa karahasan din nagtatapos. “That crime does not pay and he who lives by the gun dies by the gun,” sambit ang actor-politician.

Umaasa naman ni Gov. ER na marami ang magkakagusto sa pelikula na shot in black-and-white na mas magastos pa kesa sa colored. Tinatayang P75 million ang budget ng pelikula.

Mas importante raw sa gobernador ang humakot ng awards ang pelikula kesa sa box-office. Pero bonus na lang daw kung humakot din ito sa takilya.