• Home
  • Fresh Scoops
  • Ryan and Judy Ann speak up about controversial traffic altercation with a news reporter

Ryan and Judy Ann speak up about controversial traffic altercation with a news reporter

Ryan Agoncillo apologizes to broadcast journalist Marlon Ramos after their traffic altercation; maintains that he acted out of fear and self defense.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/11/2011 9:45 PM
Ryan and Judy Ann speak up about controversial traffic altercation with a news reporter


121211-juday-main.jpgNagbigay ng pahayag si Judy Ann Santos tungkol sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo at isang journalist na si Marlon Ramos habang binabaybay nila ang daan ng Sta. Rosa Highway sa Tagaytay noong December 4. Sunod-sunod kasi ang naging tweets ni Marlon tungkol sa nangyari nang hindi man lang kinukuha ang panig ng celebrity couple tungkol dito. "Siyempre nakakalungkot lang isipin na nahusgahan agad yung asawa ko. Sana bigyan naman ng chance na ma-air kaagad yung side niya," ani Judy Ann sa ginanap ng press con ng pelikula nilang My Househusband noong December 7."
 
Ayon pa sa mga tweets ni Marlon, ikinabahala niya ang mabilis na pagpapatakbo ng sports car ni Ryan noong mga oras na yun. "[I] was driving w/ my friends on our way to a wedding in Ayala Westgrove in Silang. 'twas raining hard along the Sta. Rosa-Tagaytay Road when a black Chevy sports car almost rear-ended my friend's van. I admit that 'twas my friends fault. He tried to go to the outer lane without apparently noticing the oncoming sports car. Pero naka-signal naman siya that he was going to his right. But the sports car was coming at 60-80kph."
 
Pero iginiit ni Judy Ann na hindi naman talaga ganoon kabilis ang takbo ng kanilang sasakyan noon. "Si Ryan, hindi naman siya tumatakbo ng 80kph. Makipot yung daan papuntang Tagaytay. Paano ka naman tatakbo ng ganon kabilis? Though hindi naman namin masisisi si Marlon sa sinabi niya. Pero sana na-explain niya ng buo yung nangyari, yung talagang istorya."
 
Kwento pa ni Ryan, hindi raw kasi malinaw sa kanya kung may motibo ba ang biglang pagsulpot at pakikipagunahan ng sasakyan ni Marlon at ng kaibigan nito. "Hindi namin alam e.  It was a simple traffic altercation. But first, my reaction was, kinut ako. Usually 'pag kinut ka, pag lumipat ka, after a while may apology eh. 'Sorry.' There was none. 'Pag nag-overtake, 'pag lumipat ka ng lane, mabilis ang takbo... e hindi siya nag-change ng speed. He really just absented-mindedly went to our lane. Hindi namin alam kung napagtritripan ba kami."
 
Ganunpaman ay inamin naman ng actor-host na mayroon din siyang kasalanan sa nangyaring insidente kaya naman agad din siyang humingi ng dispensa kay Marlon at sa iba pang taong involved. "Tama yung report ni Marlon. Hindi ko po ni-refute. That's why I'm apologizing. Dahil mali ang basa ko sa sitwasyon. At my end, same situation happened, but we were interpreting it on a different way. Akala namin we were under threat. We are humble enough to admit our mistake. But also, I'm man enough to admit that I was scared."  
 
Dagdag pa ni Judy Ann, ang nasa isip lang nila ni Ryan ng mga oras na yun ay umiwas sa peligro lalo na't maraming modus operandi ang masasamang loob ngayon. "Siyempre sa panahon ngayon, ang daming saksakan, angdaming kidnapan, ang daming carnapan... Sinong kasama ko? Kaming dalawa lang ang magkasama [sa kotse nun]. Natakot lang kami na may tumabi sa amin sa gilid, and then tumabi din si Marlon. Binuksan niya yung bintana niya and then bumaba siya. Si Ryan naman, dala din ng emosyon na takot at nabigla. 'E 'wag mo ako sisihin!' Sumigaw siya. And then nag-apologize siya, na wala ka namang ibang pwedeng gawin kundi proteksyunan mo ang sarili mo."
 
Sa huli ay nagkapatawaran naman ang magkabilang panig at sinabing sana raw ay mag-iwan ito ng leksyon na maging alerto at responsable ang mga motorista sa lahat ng oras.