Gerald Anderson is proud of the success of Budoy

Only two months since it started to air, the teleserye Budoy is already a winner with its high ratings and recent award.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/10/2011 9:54 PM
Gerald Anderson is proud of the success of Budoy


121011-gerald-main.jpgDalawang buwan pa lamang sa ere ang teleseryeng Budoy pero hindi lamang ito nangunguna pagdating sa TV ratings kundi umaani na rin ito ng pagkilala, kagaya ng pagkakasali nito sa Top Favorite Programs ng Anak TV Seal Awards na ginanap noong Disyembre 8. “Mula sa director hanggang sa cast sobra kaming masaya dahil ni-recognize kami ng Anak TV,” sabi ng proud na proud na si Gerald Anderson. “Sobra kaming proud sa lahat ng ginawa namin.”

Sinabi rin ni Gerald na ito ay maagang Pamasko para sa kanya. Sa nasabing teleserye, hinahangaan si Gerald dahil sa napaka-challenging niyang role kung saan gumaganap siya bilang isang mentally-retarded person. Dagdag pa ni Gerald, dahil sa pagkilalang iginawad sa Budoy ay lalo silang nai-inspire na pagbutihan pa lalo ang kanilang show. “Kung ano ang ginawa namin sa simula ng Budoy ‘yun pa rin ang gagawin namin sa mga susunod, sana suportahan nila [kami],” panawagan ng aktor.

Bukod pa sa parangal sa Budoy ay isa rin si Gerald sa mga Anak TV Recognition on Makabata Stars. Bukod sa kanya ang ilan pang kinilalang Kapamilya stars ay sina Kim Atienza, Coco Martin, John Lloyd Cruz, Luis Manzano, Ted Failon at Piolo Pascual. Sa mga babae naman ay kabilang sina Kim Chiu, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Karen Davila, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Judy Ann Santos, Bernadette Sembrano at Charo Santos-Concio.

Sa ngayon ay wala pa raw naiisip na Christmas plans si Gerald dahil malaki ang posibilidad na sa taping siya ng Budoy, pero umaasa siya na magkaroon ng masayang Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. “Basta kasama ko ang pamilya ko at friends ko, okay na ako,” aniya.

Sa kabuuan, naging maganda raw para sa kanya ang 2011. “Masaya ako, it’s a good year for me.”