Gabby Concepcion speaks on KC-Piolo split

The actor says he knows things will be eventually turn out okay for his daughter.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/1/2011 9:05 AM
Gabby Concepcion speaks on KC-Piolo split


120111-gabby_main.jpgNagsalita na din sa wakas si Gabby Concepcion hinggil sa isyu nang break-up ng  kanyang anak na si KC Concepcion at ni Piolo Pascual.

"Well, my take on that is ito, makinig kayo, this is very important. They are no longer today, they are yesterday, but they will never be tomorrow. Well, relationships and break ups happen, ganoon talaga," ani  Gabby sa panayam ng ABS-CBN news reporter na si Mario Dumaual.

Dagdag niya, ramdam niya ang sakit na nadarama ng anak pero naniniwala siyang may mabuting maidudulot ito para kay KC.

"Of course I feel for my daughter. I don't normally see her cry on TV, but I guess everything works out for the best. She needs our support right now. She's hurting."

"I know it's difficult for her. She's young. It takes experience to finally decide on what you are going to do to take the next step, so she's going through it right now. I'm sure after these things, she will be strong," dagdag pa ni Gabby.

Nang diretsahang tanungin kung may galit ba siya kay Piolo, inamin ni Gabby na noong una ay nagalit siya pero ngayon ay humupa na.

"Well, kanya-kanyang emotions 'yan. Of course sa una, galit ka because somebody hurt your daughter. Any father would feel that way. But siyempre, you have to go on. You have to move forward."

"Relationships are like that. It's just that you know the industry. So I just hope na lang na people are more open, more honest. And if you don't like her, don't be [like that]. I'm sure it's not anybody's intention, but I really hope things [would] turn out better for the both of them [as they go their] separate ways."

Kung sa isyu naman nang kanyang pagpayag na magkaroon ng pagbabalikan ang dalawa, sinabi ni Gabby na wala na siyang magagawa doon kung gugustuhin pa ito ni KC.

"Well, na kay KC 'yun. Kung ano ang gusto niyang mangyari. She's the only one who knows what she wants in life, and she's gone through what she's going through. Nasa kanya 'yon kung gusto niyang balikan. You know it's not for me to decide," ani Gabby.

Dagdag niya: "You know, well, this is just based on experience. You can't control love. If it happens, it happens. Parang kidlat 'yan, di mo alam kung kailan ka tatamaan. It's like death, di mo alam kung kailan mangyayari. If it happens, you know if it's real. I know kay KC, totoo 'yon."

Matatandaang nitong nakaraang Linggo sa "The Buzz," hindi napigil ni KC ang umiyak habang inaaming naghiwalay na sila ni Piolo na naging nobyo niya ng isang taon.

Sa nauna namang interview, inihayag ni Megastar Sharon Cuneta, ina ni KC, na nasa tamang edad na ang kanyang anak para harapin ang anumang problema.

Naniniwala din si Sharon na madaming natutunan si KC sa nasabing karanasan.