Regine Velasquez gives birth to a baby boy

Ogie Alcasid tweets joyously about his wife giving birth last night to a baby boy.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/9/2011 11:26 AM
Regine Velasquez gives birth to a baby boy


110911-regine_main.jpgMatapos ang ilang buwang paghihintay, labis na kaligayahan ang nadarama ngayon ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa pagdating ng kanilang unang anak.

Kinumpirma ni Ogie via Twitter na nagsilang ng malusog na batang lalaki si Regine via caesarean section nitong Martes ng gabi sa isang hospital sa Makati. [http://twitter.com/#!/ogiealcasid]

Aniya, Nathaniel James ang pangalan ng kanilang  baby.

“At 7:47pm nov 8,2011. God gave us Nathianel James.”

Abot abot din ang pasasalamat ni Alcasid sa lahat ng nagdasal para sa kaligtasan ng kanyang mag-ina.

“Thank you for the prayers. God bless you all!”

Si Nathaniel James ang unang anak ni Ogie kay Regine.

Dalawa naman ang anak ni Ogie sa una nitong asawang si Michelle Van Eimeren.
 
Noong December 22, 2010 kinasal si Regine at Ogie sa Nasugbu, Batangas.