Epi Quizon admits Dolphy is still in the hospital

The comedian's son says his father has been in the hospital for four months.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/9/2011 11:25 AM
Epi Quizon admits Dolphy is still in the hospital


110911-epi-main.jpgInamin ni Epi Quizon na nasa ospital pa ang ama niyang si Dolphy pero nasa maayos itong kalagayan.

Sa morning show na "KrisTV," inihayag ni Epi na apat na buwan ng nasa ospital ang ama.

"He is getting better every day," ani Epi.

"He's on his fourth week, actually. Apparently, he's about to be released the first week. What happened was nagkaroon ng blood transfusion, parang hindi in-accept ng body niya 'yung blood so nag-react," dagdag niya.

Inamin din ng batang Quizon na sumailalim din sa angiogram ang ama pero mapalad silang hindi naman natuloy ang angioplasty.

"Natuloy ang angiogram. 'Yung angioplasty didn't push through kasi we were praying kasi 'yung condition niya at 'yung surgery is a big threat. Kasi si Vandolph (his brother) umiiyak dahil sa threat sa family ko. Tapos after praying, pumasok ang sister ko si Sally, sabi niya 'o hindi na magsu-surgery si Dad."  

Sa panayam, hindi naman sinabi ni Epi ang tunay na dahilan ng pagkaka-ospital ng ama.

Pagtatapos ni Epi, nagpapalakas ang ama para sa kanilang pamilya at magawa ang pinakanais nito ang pag-acting.

"Alam mo huli niyang sinabi sa akin? 'O kailan tayo magte-taping?'"