• Home
  • Fresh Scoops
  • The Buzz gives an in depth view on the controversial case of Ramgen Revilla

The Buzz gives an in depth view on the controversial case of Ramgen Revilla

Sen. Bong Revilla stresses that they won't stop until they get justice for his brother's death.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/6/2011 8:20 PM
The Buzz gives an in depth view on the controversial case of Ramgen Revilla


110711-ram-main.jpgSa The Buzz kahapon ay ipinalabas ang in-depth report sa patuloy na pag-iinbestiga sa kaso ng pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla, anak ng dating senador na si Ramon Revilla Sr. Sa nasabing kaso, nadadawit ang dalawang nakababatang kapatid ni Ramgen na sina Ramona at Ramon Joseph at sinasabing sila ang mga pangunahing suspek sa nasabing krimen.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, ikinuwento ni Janelle Manahan, ang girlfriend ni Ramgen na kasama nito ng gabing iyon, ang bersyon niya kung paano naganap ang krimen. Kumatok at pumasok umano si Ramona sa kwarto ni Ramgen at may hininging video sa kanyang kuya. Kasunod na pumasok ni Ramona ay isang gunman na nakasuot ng Halloween mask. Pinagbabaril sila ng suspek at kahit nakahandusay na siya sa sahig dahil sa natamong sugat sa mukha, narinig ni Janelle na sumigaw pa si Ramona ng “Tama na, tama na!” Sinabihan pa raw ni Janelle si Ramona na humingi ng tulong. Sumagot si Ramona na nalilito siya at tinawagan ang nakababatang kapatid na si Ramon Joseph. Sinabi ni Ramona pagkatapos ng ilang sandali na hindi niya nakausap si Ramon Joseph kaya’t aalis daw siya upang humingi ng tulonog. Hindi na raw bumalik si Ramona at pinilit ni Janelle na abutin ang ang kanyang cell phone at kinontak ang kanyang mga kaibigan at kapamilya.

Pati ang personal assistant ni Ramgen na si Ronald Ancajas ay nagbigay rin ng kanyang bersyon sa pangyayari. Hindi raw siya nagising sa mismong barilan pero nasilip raw niya mula sa bintana ng kanyang kwarto na naglalakad patungo sa gate ng subdivision si Ramon Joseph. Nakita rin daw niya si Ramona na naglalakad sa parehong direksyon. Bago ang pagkamatay ni Ram nagkaroon daw ng pagtatalo ang magkakapatid patungkol sa pera. Taken for granted din daw si Ram bilang kuya.

Tumutugma naman ang statement ni Ronald sa pahayag ng security guard ng subdivision. Aniya, bandang 10:45 ng gabi ay may namataan silang may lumabas na lalaki sa main gate. Tatlong minuto ang nakakalipas may namataang babae na kinilala nilang si Ramona na lumabas sa subdivision gate.

Sa kanyang bersyon, ibinigay ni Ramona ang detalye ng nangyari sa loob ng bahay pero taliwas sa mga nauna niyang salaysay na pumasok daw uli sa loob ang suspek at hinatak siya pababa at isinakay sa van. Dahil sa pagmamakaawa niya, ibinaba raw siya sa isang mall sa Zapote, Alabang.

Sa video na ipinadala ni Ramona sa ABS-CBN News bago siya lumabas at lumipad papuntang Hong Kong, idiniin ni Ramona ang alalay ni Ramgen na si Ronald na siyang may kinalaman sa pagpapapasok sa mga suspek sa bahay. Gayunman, sa naunang salaysay ni Ramona at sa ipinadala niyang video at interview via phone patch ay may mga taliwas siyang mga pahayag. Gaya ng pagbawi niya na hindi raw siya isinakay sa van ng mga suspek at ang ginawa raw niya ay umalis at ang gusto lang ay magpakalayo sa bahay. Binago raw niya ang istorya dahil nahihiya raw kasi siyang malaman na wala siyang ginawa  para tulungan ang nakatatandang kapatid. Iginiit naman ni Ramona na wala siyang kinalaman sa sinapit ng kanyang nakatatandang kapatid.

Sa panayam naman ni Ronald sa TV Patrol ay itinanggi niya ang bintang ni Ramona dahil parang kapatid daw ang turing niya kay Ram na naging mabuti sa kanya. Gaya ng sinabi niya sa kanyang salaysay, nagising raw siya sa kanyang kwarto at namataan mula sa bintana na papalabas sa gate sina Ramon Joseph at Ramona. Dugtong pa niya, kung wala talagang kasalanan si Ramona ay bakit daw ito umalis ng bansa. Umaasa rin si Ronald na makausap si Sen. Bong Revilla, kapatid ni Ram dahil may mahalaga raw siyang sasabihin dito.

Idiniin naman ni Rowell Puzon, na isa sa mga suspek at ngayon ay witness sa insidente, ang mga pangalan ni Ramon Joseph na umano ay ang mastermind at binayaran siya ng halagang P200,000. Hindi rin daw ito ang unang attempt ni Ramon Joseph