• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo admits she is pressured to have another box-office hit

Sarah Geronimo admits she is pressured to have another box-office hit

With the recent success of two Star Cinema films, Sarah says this has pushed her to work harder.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/6/2011 8:23 PM
Sarah Geronimo admits she is pressured to have another box-office hit


110711-sarah-main.jpgInamin ni Sarah Geronimo sa The Buzz  nitong November 6, na nakakaramdam siya ng pressure na kumita ang kanyang upcoming movie with Gerald Anderson, ang Won’t Last A Day Without You, dahil sa success ng dalawang pelikulang sinusundan nito, ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

“To be honest yeah, sobra,” bungad ni Sarah sa tanong ni Toni Gonzaga kung pressured ba siya. “On a positive note naman, mas na-cha-challenge kami na pagbutihan pa lalo ‘yung trabaho namin kami ni Gerald,” pagbawi ng Popstar Princess. “Sana lang talaga mag-last siya sa puso ng mga moviegoers.”

Ang nasabing next Star Cinema movie ay ang follow up film nina Sarah at Gerald matapos ang kanilang successful team up 10 months ago sa Catch Me…I’m In Love.

Ibinahagi din ni Toni during the interview na hindi na raw masyadong nagbabantay ang ina ni Sarah na si Divine sa set ng sthooting at kinumpirma naman ito ng aktres. “Hindi na masyado [nagbabantay si mommy], nalulungkot nga ako ‘pag wala siya,” anang singer-actress. Aniya, abala kasi ang ina sa pag-aasikaso sa negosyo nila.

Nilinaw naman ni Sarah na ang pelikula ay hindi sequel ng unang pinagtambalan nila ni Gerald. “It has a different story. Relatable talaga ‘yung character ko since marami rin sa ating kababaihan na napagdaanan natin ‘yung bitterness kapag naha-heart broken tayo.” Nag-react ang audience sa comment ni Sarah, na tinutukoy ay ang bitter experience niya sa dating boyfriend na si Rayver Cruz. Natatawa pa nga niyang dugtong, “Ang laking tulong ng naging experience. Ewan ko kung bakit parang laging sumasakto ‘yung characters natin. May mga konting [similarities].”

Ayon pa kay Sarah ang role niya ay isang disc jockey na ayaw umamin na may nararamdaman na siya para sa isang lalaki dahil sa sunud-sunod niyang heartbreaks in the past.  “Kasi nga ang claim niya, ‘hinding-hindi na ako papauto dyan sa pag-ibig na ‘yan.’”

Hindi pa raw sila ulit nag-uusap ng kanyang ina tungkol sa posibilidad na pagi-entertain niya ng suitors. Okay lang naman daw ito kay Sarah dahil ang mas focus daw niya ngayon ay ang kanyang career.

Nang itanong naman ni Toni kung ano ang kanyang ideal man, ang sagot ni Sarah, “Ang ideal man ko ay faithful siyempre. Lahat tayong kababaihan gusto natin ‘yung siya lang ‘yung babaeng mamahalin (at) wala nang iba, walang no other woman. Wala na, no other woman pa,” ani Sarah na tawa pa ng tawa. Gusto rin daw niya ng respectful at God-fearing na lalaki.

Panoorin ang full interview ni Sarah Geronimo sa The Buzz (click here)