• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Xian Lim share what they find attractive about each other

Kim Chiu and Xian Lim share what they find attractive about each other

Aside from their 'kilig' scenes in “My Binondo Girl,” Kim Chiu and Xian Lim are also getting closer off-screen.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/6/2011 8:18 PM
Kim Chiu and Xian Lim share what they find attractive about each other


110711-kim-main.jpgLately ay nagiging matunog ang team-up nina Kim Chiu at Xian Lim sa teleseryeng My Binondo Girl. Marami ang kinikilig sa romantic story ng dalawa dahil obvious na may chemistry sila onscreen. Sa The Buzz nitong Linggo sinabi ni Xian na sobrang na-conscious siya nang gawin nila ni Kim ang romantic scene na kailangan niyang halikan ang dalaga. “Talagang pinagpawisan ako, hindi ko alam kung bakit,” natatawang kuwento ng binata. Ibinunyag pa ni Kim kung paano ma-conscious ang binata sa set ng show. “Alam mo ‘pag nahihiya siya as in namumula ang tenga niya.

Nakakikilig pang kuwento ni Xian na hinahanap-hanap daw niya si Kim kapag wala ang aktress sa set. “May mga times na I’m used to seeing her [‘pag] lilipat sa kabilang unit. I’m only human, ‘di ko pwedeng i-deny. ‘Nasaan kaya si Kim?’ I’m happy na magkasama kami,” pahayag ni Xian.

Hindi na ma-i-di-deny na nagiging malapit na nga sina Kim at Xian sa isa’t isa. Noong nakaraang buwan nga ay niregaluhan pa ng binata si Kim ng isang life-size teddy bear. “I overheard them talking she wanted a life-size teddy bear because mag-isa lang siya sa house and at times she gets lonely and ano she wants ‘yun nga a teddy bear,” kuwento ng binata. Isang kanta rin ang ginawa ni Xian na kanyang ibinigay sa dalaga na may title na “Ako’y Sa ‘Yo Lang.” Ang dahilan naman ni Xian para sa kantang ito, “It’s more of my appreciation towards Kim. It’s more of me showing respect, me showing how much she’s worth, she’s worth everything.” Sa posibilidad naman na mauwi sa relasyon ang kanilang pagtitingan, ang sagot ni Xian, “Mahirap magsalita ng tapos.

Inihayag naman ni Kim ang magagandang katangiang gusto niya kay Xian. “Sobrang ano n’ya naman, nakakatawa siya, thoughtful, napakabait, hopeless romantic. Siyempre konti na lang ang ganun ngayon.