• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales dismisses romantic possibilities with Mario Maurer

Erich Gonzales dismisses romantic possibilities with Mario Maurer

The Maria La Del Barrio star is confident that leading man Enchong Dee is not threatened with her movie partnership with Thai actor Mario Maurer.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/6/2011 8:08 PM
Erich Gonzales dismisses romantic possibilities with Mario Maurer


110711-erich-main.jpgDahil sa inaabangang movie ni Erich Gonzales with Thai heartthrob Mario Maurer scheduled for next year, sinasabing nati-threaten daw ang samahan nila ng constant leading man niya na si Enchong Dee. Sagot naman ni Erich, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng ibang leading man bukod kay Enchong. “This is not the first time na na-partner nga ako sa iba and ‘yung mga supporters namin [ni Enchong] sobrang blessed kami kasi suportado naman [nila] kami [in our] individual projects. Kung sa kanya ganon [ang tingin niya], okay lang.” Confident din si Erich na hindi nagseselos or nati-threaten si Enchong kay Mario. “Confident ‘yon!” paniniyak ng dalaga. Samantala, mukhang magtatagal pa ang pagsasama nina Erich at Enchong dahil extended until next year ang kanilang teleseryeng Maria la del Barrio.

Samantala, ikinuwento naman ni Erich ang pagkikita nila ni Mario nang bumisita sa bansa ang sikat na actor. “Na-meet ko siya over dinner with Direk Rory (Quintos) napag-usapan na rin namin ‘yung story ng pelikula. Masaya, nagkuwento po siya na mahilig siya sa skateboarding, mahilig siya sa hip-hop na kagaya ko. Sabi niya na gusto rin niyang mapanood ‘yung movie namin [ni Enchong na] I Do.”  

Bilang impression naman niya kay Mario, ani Erich, “Hes a nice guy po.” Ang dalawang bagay na gusto naman niya kay Mario, “’Di ba napaka-charming niya at sobrang ano talaga… he’s cute,” nangi-ngiting pag-amin niya.

Prangka naman sa pagsasabi si Erich na hindi siya umaasang ma-develop sila ni Mario sa isa’t isa dahil alam niyang may nagmamay-ari na sa puso ni Mario. “Nagsu-shoot kami ng commercial sa Bangkok ‘yung friends niya nakilala ko na rin. Meron siyang close friend doon na close din sa girlfriend niya kaya alam ko.

Inamin din ni Erich na ready na raw siyang ma-in love ngayon.