• Home
  • Fresh Scoops
  • Meet PBB4's Nanayuki ng Bacolod, Seksi Bossing ng QC and Bini-brainy ng Negros Occidental

Meet PBB4's Nanayuki ng Bacolod, Seksi Bossing ng QC and Bini-brainy ng Negros Occidental

Pinoy Big Brother Unlimited introduces a new batch of housemates including these three interesting ladies that will surely make daytime viewing more interesting.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/5/2011 9:32 PM
Meet PBB4's Nanayuki ng Bacolod, Seksi Bossing ng QC and Bini-brainy ng Negros Occidental


110611-pbb_main.jpgIlang oras bago ipakilala ang second batch ng housemates para sa Pinoy Big Brother Unlimited nitong Sabado, November 5, isang intimate press conference ang ginanap sa Holiday Inn sa Ortigas upang ipakilala sa iilang press people ang ilan sa mga ipinasok na housemates.

Kabilang ang Push.com.ph sa mga naimbitahan at nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ang tatlo sa mga bagong housemates: sina Erica Arlante, ang loving nanayuki ng Bacolod, si Diane Aquino ang seksi bossing ng QC at si Joya Genzola, ang bini-brainy ng Negros Occidental.

Napakakulay ng buhay ni Erica na nag-audition sa Japan. Aniya, ang dapat maga-audition ay ang kanyang nakababatang kapatid pero siya ang nakuha. Dahil sa angking ganda siguro at makulay na buhay, magiging interesting housemate si Erica. “I was crazy before, binago ko ang buhay ko dahil sa anak ko at binabago pa,” sabi ng mother of three; isang 10 years old, three years old at one year old. Naging madilim din ang nakaraan niya. Nalulong sa iba’t ibang bisyo gaya ng alak, droga at lalaki. “Gusto kong ipaalam sa kanila kung gaano ako katanga dati,” prangkang sagot ni Erica. “Dahil pwede mo nang sabihin dahil nagbago ka na. Pero ‘pag nandun ka pa sa sitwasyon na ‘yon syempre ‘yung pride mo tanga ka nga eh parang nakakahiyang sabihin pero nalaman ko lang nung inayos ko ang buhay ko na tanga pala ako dati. Akala ko masaya ang buhay ko nagdo-droga ako. Loser pala.”

Hindi raw sila tinamaan ng tsunami na tumama sa Japan kamakailan pero dinanas daw nila ang intensity 7 na lindol doon na ikinatakot niya. Nanonood daw ang kanyang 3-anyos na anak habang ang bunso niya ay idinuduyan nang biglang tumama ang malakas na lindol. Binitbit daw niya ang dalawa palabas dahil ang kanyang partner ay nasa trabaho.  “Na-depress na ako, nakita ko ‘yung nangyari. Andaming nagkasunugang bahay. Nag-panic buying wala na akong mabilhang gatas, walang mga pagkain, bigas wala na. Kaya binibisikleta ko, naghahanap ako nagbabaka-sakali. Bawal inumin ang tubig dahil sa radiation kaya ang tubig vending machine na lang or mineral water. Ang gastos. Nakakuha ako ng mga gatas nag-stock talaga ako,” kuwento niya. Umaasa si Erica na kung papalarin ay manalo siya sa PBB upang magkaroon ng bahay at pera pantustos sa kanyang mga anak.  

Kung tutuusin ay hindi na kailangang magtrabaho ng creative head ng isang below-the-line marketing agency na si Diane. Subalit minsan daw na nagbabakasyon siya sa Boracay ay may nakapansin sa kanya at sinabi kung gusto niyang mag-audition for PBB. Sinunggaban ni Diane ang pagkakataon. Hanggang sa ma-realize niya na papasok na pala siya bilang isa mga housemates. Gaya ng mga kasamahan niyang nag-audition, aminado si Diane na hindi kasing makulay ng iba ang kanyang life story. “Ako wala akong kuwentong kakaiba. Sobrang normal lang ako. Baka ‘yung lack ng kuwento baka it’s something baka matanggal na ako kaagad (sa audition pa lang). Two months later, to my surprise they called me again,” pahayag niya. "Sa dulo na lang talaga when I finally met Direk Lauren (Dyogi) doon na lang nag-sink in sa akin na, ‘Uy these guys find me interesting even if  don’t have like a sob story.’ Joining a reality show isn’t really limited on the kind of story that you have. The personality (also counts) I guess. Siguro fun ako. Makikita n’yo.”

Inamin din ni Diane na kaka-break lang niya sa boyfriend niya of six years. Kuwento niya, nakipag-break siya dahil tila wala siyang nakikitang future. “If you’re in a relationship that long the next step is planning in the future. There were instances that hindered my then boyfriend na makapag-plan. I