• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu will give her all out support for Gerald Anderson's team-up with Sarah Geronimo

Kim Chiu will give her all out support for Gerald Anderson's team-up with Sarah Geronimo

Although they are no longer a love team, Kim Chiu says that she and Gerald Anderson continue to support each other's career.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/5/2011 12:36 AM
Kim Chiu will give her all out support for Gerald Anderson's team-up with Sarah Geronimo


110511-kim-main.jpgInaasahang ipapalabas na ngayong buwan ng Nobyembre ang muling pagtatambal nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na Won’t Last A Day Without You. Matatandaang earlier this year ay naging box-office hit ang una nilang pagtatambal sa pelikulang Catch Me…I’m In Love.

Samantala, sinabi naman ni Kim Chiu, dating onscreen partner ni Gerald, na excited din siya sa upcoming pelikula nito. At gaya ng ibang movies ni Gerald, sinabi ni Kim na tiyak na aabangan din niya ang second team-up nina Gerald at Sarah. “Oo lagi ko namang pinapanood ang mga movies ni Gerald and ‘yun nga, sabi namin suportahan namin ang isat-isa,” malumanay niyang sabi sa isang interview.

On the other hand, excited din si Kim dahil may gagawin din siyang pelikula under Star Cinema kasama ang nag-iisang Star For All Seasons, Batangas Gov. Vilma Santos. “Magsisimula pa lang kami and first time kong gumawa [kasama siya],” paliwanag ng aktres.

Inilarawan din ni Kim na sobrang komportable siya with Ate Vi dahil ipinaparamdam ng actress-politician sa kanya na dapat maging komportable sila sa isat-isa. “Okay naman siya sobrang mabait sobrang maalaga, very nanay. Hawak ng hawak sa likod ko, ano na ganyan. Natutuwa ako dahil syempre Vilma Santos, (tapos) hahawak-hawakan ka ng maraming beses,” kuwento ni Kim.

Dagdag pa ni Kim medyo kabado rin siya kasi isang respetadong pangalan sa industriya ang kanyang co-star. Pero excited din siya at the same time dahil alam niyang marami siyang mapupulot kay Ate Vi to become a better actress. “Ang tagal na niya sa industriya. Alam ko naman na marami akong matututunan sa pagdaan ng mga araw sa shootings namin,” very optimistic niyang sambit.