• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice on her father's killer: 'Gusto ko po siyang makulong ng habambuhay'

Charice on her father's killer: 'Gusto ko po siyang makulong ng habambuhay'

The singer says her dad's killer has apologized but has no remorse over his actions.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/4/2011 6:27 PM
Charice on her father's killer: 'Gusto ko po siyang makulong ng habambuhay'


110511-1-charice-main.jpgNais ng international singing sensation na si Charice na patawan ng habambuhay na pagkakakulong si Angel Capili, suspek sa pagpaslang sa kanyang amang si Ricky Pempengco, noong Lunes sa San Pedro Laguna.

"Gusto ko siyang makulong kung hindi matagal habambuhay," pahayag ni Charice sa panayam ni Karen Davila para sa Bandila.
 
Nitong Miyerkules sumuko na si Capili sa awtoridad.

Ayon kaya Charice, hindi niya mapapatawad si Capili na nagsinungaling pa sa nangyaring insidente na humantong sa kamatayan ng kanyang ama.

"Nagalit po ako sa kanya kasi nagso-sorry siya pero di niya sinasabi ang totoo. Gusto ko siyang makita kanina eh hindi ako pinayagan ni mommy."

"Inconsistent po ang sinasabi niya kanina, self defense ang ginawa niya kaya siya ang may hawak ng weapon at walang hawak ang daddy ko, self defense kaya di pala siya kilala ng daddy ko. Sabi niya sinapak daw siya ng daddy ko, never magagawa ng daddy ko na manakit ng tao lalo' hindi niya kilala," dagdag ng singer.

Kahit na hindi nakita ni Charice sa Capili sa Camp Crame matapos itong dalhin doon para sa public presensation, inamin ng singer na nais niyang dalawin sa kulungan si Capili.

"Gusto kong sabihin sa kanya na wala siyang idea na yung pinagtripan niya eh ama ko, yung pinagtripan niya eh wala namang kasalanan."'

Ani Charice, kahit na humingi na ng patawad si Capili, hindi pa din niya madama na naging tapat  ito sa kanyang saloobin.

"Hindi ko alam kasi kahit anong sorry ang sabihin niya di ko ma-feel.  Dinadamay pa niya ang daddy ko na sinuntok daw siya, dadamay mo pa wala na nga. May witness na nanakakita sinaksak na nga niya tinatanong ng daddy ko 'bakit mo ako sinaksak eh wala naman akong atraso sa iyo?' Binalikan pa niya kasi buhay pa. Sira na nga ang pamilya namin lalo pa niyang sinira.